Jennylyn Mercado, sobrang lakas kay Gov. Vilma Santos!

ANG LAKAS talaga ni Jennylyn Mercado kay Batangas Governor Vilma Santos. Hindi siya nagdalawang-salita at agad-agad ay napapayag niya ang Star For All Seasons na magkaroon ng cameo role sa isang VTR. Ito ay sa opening ng production number sa Sunday All Stars (SAS) ng kanilang grupo nitong nakaraang Linggo kung saan siya ang team leader.

Patunay raw nga ito na talagang love si Jennylyn ng ina ng boyfriend niyang si Luis Manzano.

“Talagang sobrang happy kami at grateful na pumayag siya nang walang kuwestiyon,” aniya. “Basta… oo!”

Gano’n na talaga sila ka-close sa isa’t isa? “Siyempre ano, e… kailangang… kasi siyempre pinakamamahal ‘yan ng mahal ko rin,” pagtukoy niya sa Star For All Seasons at sa boyfriend niyang si Luis na anak nga nito.

“Kaya siyempre dapat… ‘di ba?” sabay ngiti ulit ni Jennylyn na ang ibig tukuyin ay dapat lang na maging maganda ang samahan nila.

Si Governor Vi, may nabanggit sa interview ng ilang taga-media kamakailan na gusto na raw nitong magkaapo kay Luis. Panay naman ang tawa ni Jennylyn nang matanong hinggil dito.

“Hindi naman po. Basta ang sa akin lang… wala akong specific time or date kung kailan talaga. Darating din naman ‘yong takdang oras. ‘Di ba? ‘Yong tamang panahon para sa ganyang bagay. Basta alam mo sa sarili mo na nararamdaman mong handa ka na, iyon na ‘yon. Basta ano lang… ayoko lang magmadali. Basta gusto ko laging perfect timing. Mararamdaman mo na lang ‘yon. Iyon lang ‘yon, e. Mararamdaman mo na lang.”

At hindi pa nagpaparamdam sa kanya si Luis ng tungkol sa kasal. Ni pahapyaw na usapan patungkol dito, wala pa raw.

Paano kung halimbawa, wala siyang kaalam-alam, bigla na lang siyang sorpresahin na mag-propose na ito? “Dapat nga… hindi ko alam! Hahaha! ‘Di ba? Pero… huwag i-expect. Huwag masyadong mag-expect! Baka ano… hahaha!”

Will she be ready kung sakali? “E… sa ngayon, hindi ko pa nga alam. Hindi ko pa masasabi.”

Maganda ang feedback sa pagbabalik-tambalan nila ni  Mark Herras sa latest episode ng Magpakailanman na ipinalabas nitong Sabado, June 29. Na-miss nga raw ni Jennylyn ang gano’ng pagkakataon na muli silang magkatrabaho ng dati niyang ka-loveteam.

“Siyempre. Kasi matagal din kaming hindi nagkasama, e. Last namin ‘yong sa Ikaw Sana. Four years na yata ‘yon.”

Ang girlfriend ni Mark na si Yna Asistio, bumisita raw sa taping nina Jennylyn at Mark ng nasabing episode ng Magpakailanman.

Binantayan ni Yna si Mark habang nagti-taping with Jennylyn? “Hindi ko alam! Hahaha! Basta nando’n siya. Dumalaw sa taping namin,” sabi na lang ni Jennylyn.

 

MASAYA SI Rachelle Ann Go sa success ng latest musical play na ginawa niya. Ito ay ang Tarzan kung saan siya ang leading lady bilang si Jane ng nakapareha niyang isang Broadway actor na lumabas na  rin sa Glee.

“Sobrang sarap ng pakiramdam na natapos na namin,” aniya. “Pero siyempre, sad din kasi ang ganda ng pinagsamahan namin no’ng cast. Mami-miss ko ‘yon.

“Ang ganda-ganda ng show. Ang gandang production. Nakakatuwa. Sobra akong proud sa mga nakatrabaho ko.”

Although fulfilling at nai-enjoy niya ang paglabas sa mga musical play, hindi raw niya gugustuhing agad-agad ay masundan ito.

“Siguro after a year naman ulit. Kasi medyo nakakapagod ito, e. Kailangan kasi talaga ng mahaba-habang preparation for theater,” sabi pa ni Rachelle Ann.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Related Post

loading...

8 thoughts on “Jennylyn Mercado, sobrang lakas kay Gov. Vilma Santos!

  1. Dyan mahusay si ate vi, makipag-plastikan…kahit naman dyodyokla-dyokla si luisita, deserve pa rin ng hitad ang mapangasawa ng anak nya ay puro, eh si jennlyn eh latak na kumbaga, Sa daming tarugo na humalibas sa puke ni jennlyn, sinong magla-like dyan?

  2. Plastic yang magiging biyenan mo kuno Jennylyn,, Sa tingin mo Ina papayag na mapangasa ng anak na binata repeat binata.. ang may instant na anak na…. 

    • Hoy grabe kang magsalita y naman di papayag si Gov. Vi bakit siya pinakasalan ni Sen. Recto pero may anak din siya kay Edu, talagang nagmamahalan lang sila kaya happy ending di ba.

      • Day,, gumawa at mag post  ka ng sarili mong komento,, nakikisakay ka pa sa kin. Di mo ba alam kalalabas ko lang ng Mental Hospital.. He he he Batang Mental ako.. Ikaw rin ba.

Leave a Reply

Your email address will not be published.