Jennylyn Mercado, snubbed Startalk twice

ANO ANG KAIBAHAN nina Manny Pacquiao at Dr. Hayden Kho?

Kung si Joey de Leon ang tatanungin:  “Si Manny, pound-for-pound king.  Si Hayden, ‘pound-nang-pound’ king!”

Well, that’s also a pound worth of comedy!

SPEAKING OF THE soon-to-be doctor no more (?), nagkainteres pala itong kunin ang legal services ni Atty. Adel Tamano through a padrino. But the now-legal counsel of Dra. Vicki Belo issued a flat “no” to the offer, at sa halip nga, ang doktora ang kanyang kinakatawan sa laban din nito.

Pero limitado nga lang ba sa propesyonal na aspeto ang serbisyo ng guwapong abogado? At one point, does he not advise his client to sever her romantic ties with Hayden?

“Ours is strictly professional. The reason why I agreed to offer my legal services to Dra. Belo is because I believe in her integrity. Also, with that comes the integrity of her company that she has to protect, so in that respect I tell her to keep away from Hayden,” paliwanag ni Tamano.

In the course of our conversation, I discovered a lot of interesting facts about the 38-year old bedimpled lawyer.  Nagtapos siya ng pre-law at law sa Ateneo de Manila University. To this day, he has a burning passion for singing. Sa katunayan, nag-apply raw siya noon kay Boy Abunda, but for some reason, he was flatly rejected.

Pangarap ng ngayo’y Presidente ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ang mapabilang sa Season 3 ng Celebrity Duets. Teka, hindi ba’t ito ang point of entry ni Hayden sa showbiz?

Lastly, there’s no more stopping him from pursuing his senatorial dream. Nabanggit ko sa kanya that I’m willing to give him a shot-in-the-arm. Go, Papa Adel… Papa Adel, daw, o!

WITH ANOTHER (EXPECTED?) no-show, nakaka-strike 2 na si Jennylyn Mercado sa Startalk, and the Saturday program won’t sit down waiting for the next.

Dapat sana’y makakasama ni Jen ang iba pa niyang co-cast members sa bagong programa ng GMA 7, ito ang kanyang pangalawang beses na ‘di pagsipot sa Startalk. Nauna ‘yung supposed promo guesting to announce her May 14 birthday concert, to think that the first and second bookings had been confirmed way ahead of time.

Ano na naman kaya ang alibi ng alagang ito ni Becky Aguila? Meron na naman ba silang misunderstanding of sorts kaya napepeste ang work schedule ng aktres?

Aba, mabuti pa pala ‘yung multong sumulpot sa set ng pelikula nina Glydel Mercado at Tonton Gutierrez, hindi ito “invited” pero bumubulaga na lang, kesa sa iniimbitahang si Jen na last minute ay hindi sumisipot!

Will somebody please remind this “defocused” artist na marami siyang utang na loob na dapat tanawin sa Startalk!

PEPERRONI by Ron Carrasco III

loading...

3 thoughts on “Jennylyn Mercado, snubbed Startalk twice

  1. umandar na naman ang kapraningan nitong babaeng ito..hoy nanay jennylyn magtino ka na nga, naglalandi ka na naman siguro sa lalaki kaya nag gaganyan ka na naman, ganyan din pinag gagawa mo nung nahuhumaling ka at nagbababad sa bahay nila pat, ang kinakalantari yata ni nanay jen ngayon ay yung model na nagngangalang felix yata yun..

  2. sigurado namang this time ay nagpaalam na si Jennylyn na hindi na nya kaya pang mag attend ng Startalk last Saturday kasi kahit sa fanatxt nya ininform nya yung subscribers nya na di na nya kayang mag startalk dahil sa sobrang pagod dahil nagkasunod sunod ang taping days nya ng SRO at PBAM. taping sya ng SRO nung Thursday at late na natapos and then nung Friday alas tres ng madaling araw ang call time nya para sa last taping day nya for PBAM at more than 120 sequences ang ite-tape nya. kinailangan pa syang ipull out para mag attend ng presscon ng SRO tapos pinabalik din agad sa taping ng PBAM kaya inumaga na sya sa taping at di na talaga kaya ng katawan nya after almost 2 days without sleep. sana naman be fair. alam naman ni Jen na may utang na loob sya sa mga taong tumulong sa kanya noon pero sana wag namang ganyan. may karapatan din namang mapagod yung tao. sobrang payat na nga nya sa sobrang pagod sa trabaho tapos iniintriga pa

Leave a Reply

Your email address will not be published.