Jennylyn Mercado, pinatatahimik ang dating idine-date na si VJ Andrei!

ABANGAN N’YO BUKAS sa Startalk dahil lilinawin na ni LJ Reyes ang isyung buntis ito.

Siyempre hindi ko pa alam kung totoo o hindi dahil tahimik lang sila ngayon at ang tatay-tatayan niyang si Rommel Gacho ang nakausap niya.

Nakatakda na kasi itong umalis pa-Amerika dahil matagal na raw itong nakaplano gawa nang magpapagamot daw siya roon. Matagal na raw kasi niyang iniinda ang matinding back pain kaya ang Mommy na niya ang nagdesisyon na roon na siya sa Amerika magpapagamot.

Pero lalong pinag-uusapan ngayon itong buntis isyu at si Paulo Avelino ang nadadamay dahil siya raw ang nakabuntis. Kaya bago umalis pa-Amerika si LJ ay magsasalita na siya at lilinawin niya ang isyung ito.

So far, mga kaibigan niyang sina Ryza Cenon at Chynna Ortaleza ang nagtanggol sa young actress at itinatanggi ang isyung ‘yun.

Sabi ni Chynna, matagal na raw ‘yung sakit na ‘yun ni LJ at matagal na niyang pinaplanong pumunta sa Mommy niya sa Amerika para roon na magpagamot. Kaya huwag na raw isyuhang buntis ito dahil hindi naman totoo.

Ewan ko lang, ha? Kasi reliable naman ang source namin at may mga nakakita na ngang medyo lumalaki na ang tiyan nito. At bukod pa riyan, nagpaalam na si LJ sa GMA Artist Center ng indefinite leave.

Pagkatapos, iisa lang lang ang tinuturong nakabuntis dahil matagal na ring natsitsismis na may relasyon sila ni Paulo Avelino. Kaya dapat na magsalita na silang dalawa para malinawan na ito.

Abangan n’yo na lang sa Startalk dahil wala naman daw silang itatago. Sasabihin naman daw nila ang totoo, kaya abangan n’yo na lang!

NAKIKIUSAP NA SI Jennylyn Mercado na kung puwede tigilan na ang isyu nila ni Dennis Trillo dahil umamin na rin naman sila tungkol sa nadi-develop nilang relasyon. Kung puwede, wala na raw makisawsaw para lalo lang mapag-usapan.

Pagkatapos kasing makunan ng reaksiyon si Cristine Reyes, itong VJ na si Andrei Felix naman ngayon ang nakakalkal dahil may nagparating na sobrang nalungkot daw ito nang nabalitaan ang tungkol sa dalawa.

Matagal nang nali-link si Jennylyn dito kay Andrei at ang sabi lang naman ng aktres, dating lang sila ni Andrei, walang namagitan sa kanilang dalawa.

Pero may nagtsika na nu’ng umalis daw sina Jennylyn at Dennis pa-Hong Kong, may nag-tip na raw nito kay Andrei kaya hinanap daw niya noon si Dennis dahil nakumpirma na nga niyang nag-Hong Kong si Jennylyn.

Sabi na lang ni Jennylyn, walang nakarating sa kanya na ganu’ng reaksyon mula kay Andrei.

Kung meron nga raw ganu’ng sinasabi si Andrei, sana manahimik na lang daw ito dahil hindi naman daw siya kasali sa isyu.

“Sana huwag na siyang makisali, para hindi na gumulo,” text ni Jennylyn sa isa naming reporter.

Kung ano man daw meron sila ni Dennis, tiniyak naman daw nilang walang masagasaan, lalo na itong si Andrei.

Kunsabagay, hindi pa naman nagsasalita itong si Andrei dahil hindi naman talaga siya mahilig magpa-interview kaya tingnan na lang natin kung mananahimik na lang nga siya.

Si Dennis naman ay hindi na raw magpapa-interview kapag tungkol sa kanila ni Jennylyn ang mga tanong, dahil wala naman daw silang puwedeng sabihin pa pagkatapos nilang umaming nasa dating stage pa lang sila.

Mas gusto naman daw niya kasing tahimik lang ang lovelife niya para hindi na magulo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

16 thoughts on “Jennylyn Mercado, pinatatahimik ang dating idine-date na si VJ Andrei!

  1. Eh ikaw SANCAI, ano ka ba ni NINOY AT CORYNG MGA HUWAD NA BAYANI, NOYNOY ABNOY at ni KRIS IPOKRITANG LANDI?

    Di ba karugtong ka rin ng makati at sinungaling na dila ni Kris? NAGBUBULAG-BULAGAN KA KASI SA TUNAY NA BAHO NG MGA AQUINO-COJUANGCO. Kaya yang BOBO mong utak hilo na sa kasinungalingan at kaipokritahan ni KRIS

    Bakit ba nagngingitngit ka sa mga against kay NOYNOY ABNOY. Pabayaan mo silang sabihin ang gusto nilang sabihin. Hindi naman sa yo itong website na to ah!

    Wala ka ng ginawa kundi magngakngak dyan. Wala naman pumipigil sa yo kung gusto mong kalabanin si VILLAR. Palibhasa sukol na sukol ka na dahil totoo lahat ang sinasabi nila tungkol sa MABAHONG TINATAGO NG MGA AQUINO-COJUANGCO.

    HA HA HA NOYNOY ABNOY, NOYNOY ABNOY, NOYNOY ABNOY.

    SANCAI HILO, SANCAI HILO, SANCAI HILO, HA HA HA HAAAAAAAH.

  2. KAYA SI NONOY SINGKWENTA NA NINDI PA MAKAPAG ASAWA EH DAHIL WALANG BABAENG MAY GUSTONG MAGPAKASAL SA KANYA KAPAG NABUKING NA KUNG ANO TALAGA SYA.

    ANO BA TALAGA? EH DI ABNORMAL NOYNOY OR ABNOY FOR SHORT.

    KUNG WALANG DEPERANSYA SA UTAK YAN, DI PINAG-AGAWAN NA YAN NG MGA BABAE. GETS NYO.

    NAPAKASIMPLENG IPALIWANAG.

  3. BUTI PA ITONG SI LOLIT SOLIS HINDI PLASTIC ANG PAGKATAO KUMPARA KAY CRISTY NA UBOD NA SAMA NG UGALI LAHAT SINASAGASAAN MAPANSIN LANG SIYA.WALA SIYANG TUNAY NA KAIBIGAN.KAYA DAPAT SIBAKIN NA RIN IYAN NG CHANNEL 5 HINDI AKO MANONOOD NG MGA SHOWS NG 5 KUNG ANJAN SI CRISTY.YUN NA

  4. Isa pa itong si JAMBY kung anong pagkanipis-nipis ng labi ay siya namang napaka-kati kati at
    napakasinungaling. Noong ZTE scandal, ang daming kasinungalingan nyan. Wala namang napatunayan.

    Ngayon, pumapapel na naman. kumandidato para lang kalabanin si Villar dahil hindi nya napatunayan and C-5.

    Katulad din ni Jinggoy at Kiko pumirma sa dismissal pero binawe dahil si Joseph kakandidato, si kiko naman sahil susuporta kay Abnoy.

    Naku NOYNOY,JAMBY, JINGGOY, KIKO. HINDI LANG KAYO MGA ABNOY MGA DOUBLE CARA PA. iKINAHIHIYA KO KAYO. BAKIT PA KAYO NAGING PILIPINO

    BAKIT KAYO NANDYAN SA SENADO. MAAWA KAYO SA AMIN.

  5. Hay naku Jennylyn kung ayaw mung iniintriga ka huwag kang mag-artista ganun lng kasimple yon…! Arte mo ngayon…o baka matagal na..lol

    • inggit ka lang kay jen,mas maarte ka….bwaahahaha!! wala siguro nanliligaw sau kc mukha kang multong BAKLA,,,,eh di wala na sana artista ngayon kung ayaw nila ini-intriga….napakalaki mo BOBA

      • bakit si jen lang ba ang nag de-deny at nag sisinungaling? andami rin yata artista puro deny at sinungaling ah!!! inggit ka lang sa ganda ni jen LOOOSSSEEERRR

  6. e anong pakialam mo kung kailangan mgcnungaling eh..
    its just a white lies cyempre d nmn kailangan i broadcast ang lahat sa tao ktulad ng iba na kulang sa publicity…
    shes just protecting everyone hinahalungkat lng nla
    wla nmn msama sa pagdeny nya
    sna kung my natapakan cya…..
    lgi n lng my nega kyo ky jennylyn kanino b kyong pakawala???
    kawawa nmn cya gusto n nga manahimik…

    • So what’s wrong kung buntis si LJ? Anong ipinuputok ng butse mo iha? Right nila na ideny yun, wala na tayong paki. Parang hindi kayo naging sinunggaling ah. Alangan namang ipangalandakan niyang “HOY PIPOL, TINGNAN NIYO BUNTIS AKO”! Ikaw ba kahit minsan walang ideneny sa tanang buhay mo? Stupid! At least, hindi niya ipinalaglag, ginawa niya pinanindigan niya. Yun lang yun, intiendes?

  7. she’s is one of the biggest liar na artista dito sa atin.. laging nahuhuling nagsisinungaling

Leave a Reply

Your email address will not be published.