Jennylyn Mercado, piko na sa isyung nagli-live in sila ni Luis Manzano!

NARAMDAMAN NAMIN na medyo pikon at inis si Jennylyn sa lumabas na isyu na nagli-live in silang dalawa ng boyfriend na si Luis Manzano. Nagbigay mensahe ang aktres na sana ay gamitin naman ang utak nila ng mga taong gumawa at nagpapakalat ng isyung ito. May anak siya na isinasaalang-alang kaya imposible ang sinasabing ito ng iba nakatira sila ng boyfriend sa isang bubong.

Nang mapag-usapan din ang tungkol sa pagpapakasal ay klinaro na wala ring katotohanan na may plano na silang dalawa ni Luis. Sa ngayon ay abala sa kani-kanilang mga trabaho at nakapokus sa ang kanilang mga career, parehong maganda ang tinatakbo ng mga trabaho nina Jennylyn at Luis.

 

SA LAUNCHING ng kanyang album na may titulong Legends sa ilalim ng Universal Records, pormal nang inanusiyo ni Richard Poon na engaged na ang estado ng relasyon nila ng girlfriend na si Maricar Reyes. Mag-iisang taon na ang kanilang relasyon sa darating na Hulyo.

Ayaw namang magbigay ng detalye ng singer tungkol sa nangyaring engagement nila ni Maricar, kung saan ayon kay Richard ay magpapaunlak ang kasintahan ng exclusive interview isa sa mga araw na ito.

Nagbigay-pahayag ang singer na lahat naman ng isang seyosong relayon ay tiyak na umabot sa pag-uusap ng tungkol sa pagppakasal at kung nagkahiwalay man ang mga ito ay tiyak na naging parte pa rin ang topic na ito. Nang tanungin kung ano sa katangian ni Maricar ang pinaka-nagustuhan niya, inamin naman ni Richard ang kakayahan nitong dalhin ang lahat sa payapang paraan o ‘yung tinatawag nilang “grace under pressure”, sa kabila ng mabibigat na mga pinagdaanan ng aktres, hinangaan at minahal niya nang husto ang girlfriend.

Wala ring problema sa bawat pamilya dahil boto naman ang lahat at walang tumututol. Nakita niya na nagustuhan ng ama si Maricar sa ilang pagkaka-taon na nagkasama ang mga ito, lalo’t kilala niya ang ama na hindi madaling ma-impress sa kahit na sino. Gusto rin ng mga kapatid ang kasintahan. Sa parte naman ng magulang ni Maricar, maayos naman ang naging pa-kikipag-usap niya sa mga ito nu’ng pormal niyang puntahan at kausapin sa tirahan ng mga ito sa Cagayan de Oro.

Bukas na aklat naman sa showbizness na napakalaking kontrobersiyang pinagdaanan ni Maricar, pero nanatiling tikom ang bibig nito tungkol sa nasabing isyu. Nang tanungin namin kung hindi ba naging isyu sa kanya ang nakaraan ng kasintahan, ayon kay Richard may mga pagkakamali at sablay rin siyang nagawa sa kanyang buhay, at sino siya para humusga sa ibang tao lalo na sa taong mahal niya.

Naniniwala din si Richard na kung talagang mahal mo ang isang tao ay tatanggapin mo ang nakaraan nito, anuman ang pinagdaanan ng iyong karelasyon. Sa simula pa lang naman ay hindi naging isyu talaga kay Richard ang nakaraan ni Maricar.

Excited naman sa album niyang Legends, kung saan kinanta ni Richard ang ilan sa mga sikat na kanta ng mga music icons tulad ng The Beatles, Lionel Richie, Michael Jacson, Madonna at iba, ito ang kauna-unahang pagkaka-taon na kumanta ng pop songs si Richard at hindi big band kung saan siya nakilala. Hindi naman ganu’n kalaki ang naging adjustment sa parte ng singer, dahil kahit noon pa man na nasa banda siya ay kumakanta na rin naman siya ng pop songs.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.