Jennylyn Mercado, napatawad na ang dating alalay – Gorgy’s Park

NAGPA-PRESSCON SINA Jennylyn Mercado at ang kanyang manager na si Becky Aguila kasama ang abugado nitong si Atty. Joji Alonzo para ibalitang umakyat na sa korte ang kasong isinampa ni Jennylyn laban a dating PA niyang si Mel Pulmano.

Kasong 19 counts of Qualified Theft ang isinampa ni Jennylyn laban kay Mel sa may QC-RTC at umakyat na nga ito.

Nagkakahalagang mahigit  P400,000 ang involved dito kaya sabi ni Atty. Joji, non-bailable daw ito kaya kapag masimulan na raw ang pre-trial nito ngayong linggo, maaring isyuhan na ng warrant of arrest si Mel.

Ibig sabihin, habang nililitis ang kasong ito nakakulong si Mel.

Hirap naman si Jennylyn na sagutin ang tanong namin kung gusto ba niyang makulong ang dating PA niya. Napatawad na ba niya ito?

“Sa puso ko napatawad ko na, pero korte na ang nagdesisyon eh. Wala na po akong magagawa du’n, kung ano na po ang napagdesisyunan ng korte, iyun na lang ang sundin,” pahayag ng young actress.

Kinunan naman namin ng sagot si Mel, pero ayon sa kanyang abugado, may inaayos pa raw silang dokumento sa kanya at wala pa raw silang natatanggap na kopya ng resolution mula sa Prosecutor’s office kaugnay sa kasong ito.

Samantala, na-dismiss naman ang kasong Robbery with Child Abuse na isinampa ni Mel laban kay Jennylyn.

Dagdag pang kuwento ni Becky, na-dismiss din daw ang kasong isinampa sa kanya ni Mel sa DOLE. Kaya vindicated daw siya sa isyung ito dahil idinamay nga raw siya ni Mel sa mga ginawa raw niya sa pera ni Jennylyn.

Ngayong linggo ay magkakaroon ng pre-trial at haharapin naman daw ito ni Mel at kaya raw niyang patunayang may kinalaman pa rin si Becky dito.

Parang nabunutan naman daw ng tinik si Jennylyn dahil at least lumabas na raw ang katotohanan. “Mabuti na iyun, at least malinawan ang lahat na nagtatanong. Isa na itong sagot na wala naman talaga akong ginawang masama,” pahayag ni Jennylyn.

Jomari Yllana at Aiko Melendez, close na ulit

DAHIL SA PELIKULANG Angelina and Yaya: The Spoiled Brat, lalong naging close sina Jomari Yllana at Aiko Melendez.

Siyempre, kailangan naman daw talagang magkasundo sila para sa anak nilang si Andrei.

Wish naman ni Jomari na sana maka-duet daw niya ang mga babaeng dumaan sa buhay niya gaya nina Aiko, Pops Fernadez at Ara Mina sa Celebrity Duets, pero mukhang malabo na sina Pops at Ara.

Si Aiko lang ang pumayag dahil talagang pinakiusapan daw siya ni Jomari na maka-duet ito.

Nangako rin ng suporta si Aiko sa text votes kay Jomari kaya talagang namakyaw na yata ito ng mga sim card para pamboto kay Jomari nang hindi ito matanggal sa Celebrity Duets.

Kaya abangan na lang kung kailan magdu-duet ang dalawa. Malamang itataon din ito sa promo ng pelikula nilang Angelina and Yaya nina Ogie Alcasid at Michael V.

By Gorgy’s Park

Related Post

loading...

9 thoughts on “Jennylyn Mercado, napatawad na ang dating alalay – Gorgy’s Park

  1. d ba ang mastermine eh c becky bakit yung alalay ang dinemanda mo, you kmw in ur heart na ang manager mo ang tunay na may kasalanan… i like jennylyn before but after what she did to her alalay nainis nako sa kanya well gud luck na lang sayo sana tuloy tuloy na ang pag laos mo…

  2. Plastik tong Jennylyn. Sinasabi pang napatawad na nya in her heart, eh kung npatawad na sana inurong ang kaso. Sus, gusto lang talaga niya makulong. Daming ganong satsat.

Leave a Reply

Your email address will not be published.