Jennylyn Mercado, napagdududahang buntis!

LAGING NAPAGDUDUDAHAN SI Jennylyn Mercado na baka buntis siya sa tuwing isusugod siya sa hospital. Isa sa mga dahilan kung bakit siya nagkakaproblema sa kanyang kalusugan ay dahil sa kanyang sakit sa puso. Pero dahil nga magkarelasyon sila ni Dennis Trillo, tsikahan lagi ang posibilidad na baka nga magkabuntisan sila kung hindi sila mag-iingat. Pero aware naman daw ang magkarelasyon, na maraming tao ang nakamata sa kanilang dalawa.

Isa ang ina-inahan ni Jennylyn na si Mommy Lydia na palaging nagdarasal at nagpapaalaala na kung gaano man daw kalalim na sa ngayon ang ugnayan nina Jen at Dennis, maging maingat naman sana ang magkarelasyon. Takot na si Mommy Lydia na magbuntis ang kanyang anak-anakan nang wala sa tamang panahon. Si Mommy Lydia ang unang nangangalaga kay Jen, kaya sobra siyang nalungkot nang maapektuhan dati ang career ng aktres nang mabuntis siya ni Patrick Garcia.

Lagi namang kinakabahan si Mommy Lydia sa tuwing may karelasyon si Jennylyn. Sa pagkakataong ito, nakabawi raw ang movie career ng aktres, dahil nagbibida na ulit siya sa mga teleserye ng GMA-7, gaya ng Little Star ngayon, at may pelikula pa siyang kasali sa darating na Metro Manila Film Festival-Philippines, ang Rosario. Naniniwala kaya si Mommy Lydia sa mga pangako ni Dennis, na hindi sila nagmamadali ni Jen tungkol sa kanilang relasyon?

MAYROON NA RAW reaksiyon si Maja Salvador tungkol sa pang-iintriga sa kanya, na diumano’y mayroon siyang karelasyong isang tomboy na direktor. Ilan sa kanyang mga malalapit na kaibigan ang nagsabing nasasaktan daw ang magandang young actress tungkol sa nasabing malisyosong balita tungkol sa kanya. Naku naman, Ineng! Simple lang ang dapat mong gawin tungkol sa tsikang ‘yan kung gusto mo talagang matuldukan na.

Dapat kasi kay Maja, hindi niya tinatakasan ang isyu. Harapin niya at magdenay siya kung hindi totoo. Walang intrigang hindi matatapos kung gugustuhin ng mga artista. Katulad iyan nang nangyari noon kay Bea Alonzo nang magkaroon ng isyu na diumano’y may karelasyon siyang tomboy rin, na nagpakamatay, ayon sa tsismis noon. Isang beses lang nagsalita noon si Bea na tigilan na daw ang malisyosong intrigang ‘yon, dahil mayroong ibang tao na nananahimik at nadadamay.  Kasunod noon ay natapos na ang isyu.

Pinapangalanan na rin ngayon sa mga kuwentuhang-showbiz kung sino ang tomboy na direktor na iniuugnay kay Maja, lalo pa’t sikat ang nasabing direktor. Ang pagpili naman ng dapat gawin ay nasa desisyon ni Maja. Kung talagang magkaibigan lang sila ni Direk, walang masama. Kung ayaw niyang pinagtsitsismisan sila, magpaliwanag na siya. Kung type naman niya nang mayroong ganyang intriga tungkol sa kanya, eh, ‘di hayaan na lang niya.

BONGGA TALAGA ANG pagbabalik-showbiz ni Vivian Velez, dahil napapansin ang kanyang pagganap sa teleseryeng Imortal ng ABS-CBN. Napakalakas ng kanyang screen presence, kaya hindi siya pupuwedeng talbugan ng kanyang mga kaeksena. Hindi talaga kinalawang ang kanyang acting ability kahit matagal siyang nagpahinga sa showbiz. Dapat masundan pa ang kanyang proyekto sa ABS, para mayroong mapapanood na bagong kontrabida. Kahit magagaling na aktres na mga katulad nina Cherie Gil at Jaclyn Jose ang paulit-ulit nating napapanood, masarap ding mayroong katulad ni V.V. ngayon na nagpapakitang-gilas sa kahusayan bilang kontrabida.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

14 thoughts on “Jennylyn Mercado, napagdududahang buntis!

  1. Napansin ko rin ang acting ni vivian velez sa Imortal, magaling siya at nakikipagsabayan siya sa mga kasamahan niya. Kiber ko kung kinopya lang ang Imortal sa Twilight o New Moon, maganda pa rin at nakaka-addict. Pare-pareho lang ang mga network na yan, ABS or GMA na nangungopya lang sa mga shows dito sa abroad dahil alam nilang magiging hit dyan sa pinas. Eh ung kay Amy Perez, kinopya din lang yan sa Jerry Springer. :-)

  2. Hindi peke si Jennylyn. Totoo ang boobs niya. Nanganak na kasi siya at siempre..basta nagbuntis ka at nanganak (nag gatas para sa bata pa ) lalaki talaga ang boobs.Natural iyon.

  3. we love and support jennylyn mercado..

    and for that, we love dennis trillo also..sana magtagal pa sila and matuloy sa kasalan kahit soon pa un..he,he

    goodluck for your rosario movie Jen, cant wait to watch.. more than 1 mo. pa ang hihintayin namin..:)

    all the best for you Ms. Jennylyn Mercado

  4. i agree super ganda n jennylyn ngaun! daig nya pa un ibang young actress eh c jen me baby na pero sexy at maganda parin! :)
    sa kanila ni dennis both mature and responsible na cla so i think hindi na nila uulitin un nangyari b4!

  5. i really wish that jennylyn and dennis are so meant to be. bagay tlga silang dalawa kahit saang anggulo mo tignan hahaha im wishing na tigilan na rin sila ng intriga at hayaan na sila sa tahimik at masayang relasyon malay natin isa sila sa mga hottest couple na sa simbahan nauwi! *praying* :)) all the best kay den and jen. can’t wait for your movie, ROSARIO… go for the gold! :)

  6. bsta maganda ang couple na ito.. jennylyn mercado dalagang ina pero jusko nakakloka sya ngayon ang ganda lalo na nung nkita ko sya sa shang at dennis trillo ano nmn kung magkaroon sila ng baby.. both are good looking and hot at talented..

    kesa nmn kay cristine reyes sya nag kaanak na umaapaw ang kalandian… at kung kni kanino nag papatikim..prang katawan lng habol ni dennis kay cristine reyes.. wala pang laman utak buti pa yung pauleen luna na mnsan nya nakarelasyon khit malaki braso at majuba,, may utak ang girl…. aahahaahhaha…

    maganda si maja gusto ko sya….:)

Leave a Reply

Your email address will not be published.