Jennylyn Mercado, nakuryente sa isang hotel!

NAKAUSAP NAMIN kahapon si Tita Becky Aguila, manager ni Jennylyn Mercado, kung saan kinumpirma nga nito na totoong nakuryente sa isang hotel sa Bangued, Abra ang aktres.

Ayon kay Tita Becky, inimbita si Jennylyn para sa show sa nasabing probinsya. Ang ‘di inasahan ng aktres at ng kasama niya ay malalagay sila sa isang hotel na kulang sa mahuhusay na pasilidad kabilang na ang telepono, elevator at heater.

Sabi ni Tita Becky, nasa bathtub at basa na si Jen nang magdesisyong itong mag-init ng tubig dahil sobrang lamig. Isang portable water heater ang ibinigay sa kanila ng hotel.

Maaaring nawala sa isip na may heater sa timba ng tubig, nalagay ni Jennylyn ang kamay niya rito at nakuryente.  Nagsisisigaw ang aktres na tulungan siya dahil naramdaman nito ang kuryente na dumaloy sa katawan. Mabuti na lang at hinugot ng kasama ni Jennylyn sa saksakan ang portable water heater, pero nangamoy sunog ang buong katawan ng aktres, nagsusuka at nahihilo.

Nakauwi pa nga ng Manila si Jennylyn at sinubukan nitong mag-practice ng triathlon dahil may sasalihan itong kumpetisyon next week. Pero ‘di nito kayang tapusin ang training dahil nagsuka at nahilo ang aktres at pinayuhan ito ng trainer nito na huminto na dahil ‘di kaya ng resistensiya ng katawan nito ang mabigat na ensayo.

Nag-text din ang aktres na ayon sa cardiologist nito, sa loob ng 24 oras pagkatapos nangyari ang akisdente ay maaaring inatake sa puso si Jennylyn. Mabuti na lang at naligtasan nito ang nasabing aksidente.

Nakausap na rin ni Tita Becky ang mayor ng Bangued, kung saan apologetic naman ito sa nangyari. Ang nasabing hotel daw na tinuluyan nila Jen ang pinakamaganda nang hotel sa nasabing probinsya. Hinihingi na lang nina Tita Becky sa mayor na mapa-general check up ang aktres para masiguro ang kaligtasan nito, kung saan hanggang sa ngayon ay hinang-hina pa rin ang aktres.

 

SA INTERVIEW namin kay Vice Ganda, binigyang-linaw niya ang balitang pinagtulungan daw nila ni Kris Aquino ang Pop Princess, kung kaya’t banned ito before na ma-guest daw sa Gandang Gabi Vice at KrisTV. Depensa ni Vice, hindi niya alam kung bakit may ganitong isyung lumabas gayong wala silang galit o anumang negatibong nararamdaman sa singer/actress.

Kinumpirma din ang pelikulang pagsasamahan nila ni Toni Gonzaga under Star Cinema, excited at nilu-look forward ni Vice ang pagsasama nila ng TV host/actress sa isang pelikula lalo’t isa ito sa naging una niyang kaibigan sa ABS-CBN at malalim na rin ang kanilang pagkakaibigan. Masaya rin na punung-puno ng commercial load ang It’s Showtime at paunti-unti ay pumi-pick up na ito sa ratings, tanggap naman ni Vice na ‘di nila kayang pataubin ang Eat Bulaga. Ang importante ay tanggap na ito ng publiko sa bago nitong timeslot.

Kaarawan sa darating na March 31, ang tanging hiling ni Vice ay makapag-beach siya at makapagbakasyon dahil sa sobrang hectic ng kanyang schedule, kung saan araw-araw ay nagtatrabaho si Vice.

 

GUSTO NAMING i-congratulate ang Star Cinema at ang lahat ng bumubuo ng Unofficially Yours mula sa director nitong si Direk Cathy Garcia Molina, Angel Locsin, John Lloyd Cruz, sa lahat ng mga artistang kasama, production staff and crew dahil sa laki nito at kauna-unahang box-office movie ng Star Cinema para sa taong 2012.

Kumita na ng P165 million sa loob ng apat na linggo at hanggang sa ngayon ay patuloy na pinipilahan, ito ang pelikula ni Angel na pinakamalaki ang kinita sa lahat ng mga pelikulang nagawa niya, samantalang napadagdag naman ito sa haba ng listahan ng mga pelikula ni John Lloyd na naitala bilang box-office.

Nagluklok muli ito kay Direk Cathy Garcia Molina as Box-Office Director, kung saan ‘di naman itinago sa amin ng mahusay na direktora na lalong tumataas ang pressure sa kanya para sa mga susunod na pelikulang gagawin.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

15 thoughts on “Jennylyn Mercado, nakuryente sa isang hotel!

  1. wala na bang magawang gimik ang haliparot na ito at pati sa kuryente ay nakipagtsuktskan? aba eh dami mo na naging kalaguyo sa showbiz e di ka pa nakuntento kaya pati kuryente pinatos mo? esep ulit ng gimik! baka next time naman ay malunog ka na sa isang basong tubig! 

  2. kung hamakin ninyo si Jennely para kay Luis Manzano, parang si Ate Vi ay santa ng pakasalan ni Ralph Recto. Kaya nga si Ate Vi, sympathetic kay Jennelyn, kasi halos pareho naman ang naging experience niya sa buhay. Na sex-scandel video siya kay Romeo Vasquez, nagka-asawa at nagka-anak kay Edu, nagka boyfriend rin ng super dami, pero may matino pa ring lalaki na nanindigan at pinakasalan siya. Kaya kayong mga hipokrito diyan, manahimik kayo sa panlalait kay JM.

  3. PUTA ITONG BABAENG PAKANTOT NA TO…PWEDE B MANAHIMIK KA NALANG LAOS KA NA…SIRA PA ANG PURIMO …KAYA WALANG GUTONG SUMERYOSO SAYO DAHIL LAHAT NANG LALAKE E GUSTO MONG MAGPAKANTOT AT CHUPAEN CLA….PUTA!

  4. kung hindi ba naman saksakan ng tanga itong si mercado! hindi talaga nag iisip! yan ba ang diumano’y ihaharap mo sa altar luis manzano? my gosh! bukod sa naanakan ni bong revilla at hindi ni patrick garcia, marami nang nakatikim sa kanya! buti sana kung wala pang anak kahit hindi na virgin! mag isip isip ka manzano! balikan mo na lang si anne curtis! mas ok pa kahit laspag na rin! 

  5. Nakuryente na si jennylyn Kung anu ano pa ang sinasabi ninyo MO/ASO ang sasama naman ninyo.kahit seguro sa imperyerno d kayo tatanggapin.

  6. kung anong hinala siyang gawa,yan ang gawain ninyo 2 mo at aso hahaha,kaya ninyo nasasabi ka JM yan dahil gawain din niok im waiting for your firey reply,im expecting grabe ang reply mo sa akin comment MO,Aso,nyo ayaw ninyo magpadaig hahaha

    yan di kasi ang ginagawa mo Mo at Aso kasi may kasabihan kung anong hinala siyang gawa,hahaha nakakatuwa naman

  7. pwe buti nga sayo chenelyn paiyot ka ng paiyot kasi eh sa ibat ibang mga boys kaya yan baka ang iniisip mo nnman TITI AT BURAT KAYA YAN NAPALA MO

Leave a Reply

Your email address will not be published.