Jennylyn Mercado, nakakaladkad sa isyu ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago!

NAG-ISYU NG STATEMENT ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago. Tungkol sa patuloy na pinag-uusapang diumano’y hiwalayan nila.

Pero ang isinaad sa nasabing joint statement ay, “WE ARE STILL TOGE-THER”.

At nilinaw roon na hindi nga raw sila hiwalay at binibigyang-halaga nga raw nila ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa para na rin sa kapakanan ng kanilang dalawang anak. Kaya nga ang pakiusap din nila eh, ang ma-spare ang mga ito sa hindi magandang nagiging reaksyon ng mga tao sa patuloy na pagbabalitang hiwalay na sila.

Pero sabi naman ng mga taong nag-aabang ng kalinawan sa naganap na pag-iyak ni Claudine sa isang bangko kung saan may joint account sila ng asawa, ang hinihintay nilang mabigyan ng kasagutan ay ‘yung si Claudine mismo ang kumbaga eh, naghatid at nagbukas ng balita sa balana tungkol sa nasabing insidente.

Sabi nga ng mga miron, sanay na sila sa statement ng paglilinaw kundi man pagde-deny o kaya eh, pagtatakip sa isang pangyayari para lang hindi na ito patuloy pang mapag-usapan.

Kasi nga raw, ni hindi naman nalinawan kung sino ang nag-withdraw ng kukunin sa-nang pera ni Claudine mula sa kanilang joint account.

Ang masasabi ko lang, dahil may abogado namang kasama si Claudine during the time na magwi-withdraw ito sa bangko pero naunahan na nga siya, malamang na pinagsabihan na lang ito na manahimik na muna. Dahil hindi nga maganda ang nagiging resulta ng ibinungang usapan ng nasabing pangyayari. Kung bukod sa kanilang dalawa ni Raymart eh, ibang tao pa ang gumalaw sa account nila eh, sigurado namang mabubu-yangyang ‘yun.

Nag-panic si Claudine kaya agad-agad itong na-broadcast sa balita. Kaya, hindi masisisi ang mga tao na magkaroon ng kani-kaniyang ispekulasyon sa nasabing pangyayari.

Kaya, paniwalaan natin na they are still together at mahal na mahal pa rin nila ang isa’t isa.

 

ANG DAMI NA ngang nadamay na mga pangalan sa nasabing pangyayari. Kaya kumbaga sa one plus one, dagdag na lang nang dagdag ng plus sa nasabing insidente ang mga tao.

At sa mga isinasangkot sa sinasabing diumano’y sigalot ng mag-asawa, si Jennylyn Mercado ang agad-agad na nagbigay ng kanyang reaksyon sa pagli-link sa kanya sa kasama niya lang sa trabaho na si Raymart.

Ang hiling naman ng aktres eh, tantanan din siya sa pagkaladkad ng kanyang pangalan at pagbintangang may relasyon sa mister ni Claudine.

Hindi nga naman ito maganda sa kanya bilang isang taong may anak ding inaalagaan, na gaya sa mag-asawa.

And besides, huwag na nating iligaw ang mga nangyayari na si Luis Manzano ang matimbang ngayon sa puso ng dalaga. Ito na nga ang may sabi na hindi naman siya ‘yung tipong sa may asawa pa papatol o maninira ng isang relasyon.

 

NASALUBONG NAMIN SA ABS-CBN recently ang mag-asawang Donna Villa at Carlo J. Caparas.

Sinikap naming usisain ang dalawa kung may bago ba silang proyektong gagawin sa naturang istasyon pero ngumiti lang ang mag-asawa sabay sabing abangan na lang namin ang mga susunod na mangyayari.

Ang tanong tuloy eh, kung natapos na ba ang mga proyekto nila with Viva Films sa TV5? O, talaga lang na in demand sila sa lahat ng istasyon?

May nagsabing mukhang bumati lang sa may kaarawan na ABS-CBN President and COO na si Ms. Charo Santos-Concio ang mga ito kaya napadaan sa nasabing istasyon. Pero may mga nagsasabi namang malamang na isang malaking proyekto ang ngayon eh, inihahanda ng mag-asawang nagiging laman din ng mga balita dahil naman sa isyu nila sa Kawanihan ng Rentas Internas.

 

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

One thought on “Jennylyn Mercado, nakakaladkad sa isyu ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago!

  1. c salve asis lng nman ang ngkaladkad k jennylyn sa issue na yn e.me glit ata sya k jen.and besides,lhat ng mga nkrelasyon ni jen e puro mga gwapo at fresh.lhat mestizo.raymart is way out of her league no. ni hndi sya mputi. at lalong hndi sya gwapo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.