Jennylyn Mercado, naiyak nang mapag-usapan ang isyu nila ni Patrick Garcia

NAPAIYAK SI Jennylyn Mercado nang napag-usapan ang tungkol sa isyu nila ni Patrick Garcia.

Ayaw sana talagang magsalita tungkol sa isyu na ‘yan dahil ang anak daw niyang si Alex Jazz ang nadadamay.

Kaya kahit anong kulit d‘yan ng Startalk nu’n tungkol sa binibigay na suporta ni Patrick, ayaw niyang magkomento. Mas mabuting tahimik na lang daw.

Eh, itong si Patrick, nagpa-interview sa presscon ng teleserye niya sa ABS-CBN 2 na sinasabi niyang pinagbabawalan daw siya ni Jennylyn na dalawin ang anak niya.

Pati ang ina ni Patrick na si Mommy Bing ay nagsalita pa yata tungkol diyan.

Kaya nu’ng kamakalawa ng hapon nang pumirma si Jennylyn ng renewal ng kontrata sa GMA 7, napag-usapan ‘yan at nilinaw sa kanya kung totoong pinagbabawalan nga ba nito na dumalaw si Patrick sa anak nila.

Itinatanggi ito ng aktres dahil wala raw talagang katotohanan ‘yan. “Anytime, puwede siyang dumalaw kung kailan niya gusto. Huwag lang sana kaming magamit lalo na si Jazz. For Jazz’s sake, ayoko na lang magsalita,” naiiyak na sinabi ni Jennylyn nang in-interview ito ng Startalk.

Hindi na niya natapos ang pagsasalita dahil iyak na ito nang iyak.

Natigil nga raw ang interview dahil matagal itong umiyak. Pinatahan muna siya para puwede na siyang magsalita tungkol diyan, kaya lang hindi na napag-usapan si Patrick.

Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas ang eksenang ‘yan.

In fairness, pinuri ni Atty. Felipe Gozon si Jennylyn dahil siyam na taon na ito sa kanila at ilang beses na rin naman itong inalok ng ibang network pero sa GMA talaga siya. Kaya inaalagaan nila si Jennylyn dahil napaka-loyal nito sa Kapuso Network.

Siyempre, pinaka-loyal sa lahat si Kuya Germs dahil ang tagal na nito sa GMA 7. Kaya nga isi-celebrate daw nila ang 50th anniversary nito sa showbiz.

Aray ko! Napunta kay Kuya Germs ang usapan!

 

KINLARO PALA ni Oyo Boy Sotto ang intrigang galit siya sa alaga kong si Pauleen Luna, at tutol ito sa relasyon niya kay Vic Sotto.

Sabi naman ni Oyo Boy, sino naman daw sila para komontra sa lovelife ng Daddy nila.

Tuwang-tuwa nga raw siya sa Daddy niya dahil parang lalo raw itong bumata. Sabi nga ni Oyo Boy, parang kaedad lang daw niya ang Daddy niya.

Sabi ni Oyo Boy, “Hindi ako galit kay Pauleen. Bakit naman ako magagalit sa kanya, wala naman siyang ginagawa sa akin.

“Pagda-ting sa lovelife ng Daddy namin, hindi kami nakikialam ng ate (Danica) ko.

“Gusto nga naming may makakasama siya sa buhay dahil siya na lang mag-isa. May kanya-kanya na kaming buhay, kaya meron nga sanang mag-aalaga sa kanya,” pahayag pa ng aktor.

Siyempre, ayaw na lang mag-comment ni Pauleen tungkol diyan, dahil mas gusto raw ni Vic na tahimik na lang para hindi na magulo.

Sabi naman ni Pauleen, kung ano man ang masasabi ng mga anak ni Vic, nirerespeto niya.

Kitang-kita namang masaya si Vic at pati rin si Pauleen kaya wala na tayong magagawa, ‘no! Buhay nila ‘yan!

 

ABANGAN N’YO pala sa Aliw Theater sa February 9, me-rong malaking concert ng CNI Productions na kung saan tampok ang limang sikat na K-Pop bands galing Korea.

Kaya Seoul Invasion ang title ng concert dahil pawang mga sikat na K-Pop group ang magpi-perform na kinabi-bilangan ng Tahiti, Excite, A Prince, Delight, at Mellow:D.

Ang daming mahihilig sa K-Pop, kaya nga panay ang punta nila rito para mag-perform.

Abangan n’yo na lang ito! Sa mga interesadong magpa-reserve ng tickets, tumawag lang sa 4702222.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Jennylyn Mercado, naiyak nang mapag-usapan ang isyu nila ni Patrick Garcia

  1. SI JENN PARANG DI PA MAKA MOVE ON KAY PATRICK GARCIA. AKALA KO BA MERON NA SYANG LUISA?

    SI OYO BOY NAMAN, HUGAS KAMAY. SAMANTALANG ANG TARAY AT PARANG BABAENG BUTANGERA ANG TWEET NYA NOON AGAINST KAY PAULEEN. ETO OH:

     ”Ang dami talagang mukang pera… ang daming lumalandi! Nakakalungkot (hindi sa akin) Haay nako….”

    “Respeto lang” 

    ”Kung nasaktan ka, ikaw yun.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.