Jennylyn Mercado, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Luis Manzano

Jennylyn-MercadoPAGKATAPOS NG kanilang controversial break-up ni Luis Manzano, hinarap na rin ni Jennylyn Mercado ang press para magbigay ng pahayag sa isyu.

Nilinaw ni Jen na okey naman siya ngayon at nilinaw na walang katotohanan ang mga naglabasang dahilan ng kanilang break-up ni Luis. Lalong wala rin daw katotohanan na may third party involved sa kanilang hiwalayan at may nadadamay pang ibang pangalan.

Pinagdiinan ni Jen na walang katotohanang nagde-date sila ni Dennis Trillo habang karelasyon niya si Luis.

Nakatulong kay Jen ang pagbabakasyon nila ng anak na si Jazz sa Hong Kong para mag-recharge at harapin muli ang trabaho.

Rhodora X ang title ng bagong serye na pagtatambalan nila ni Mark Herras sa GMA-7 at ayon sa manager ni Jen na si Becky Aguila, excited na raw ang actress sa challenging role na gagampanan.

Sa pagtatambal muli nina Jen at Mark ay ‘di maiiwasang maungkat ang naging relasyon nila noon bago pa sila nagsimula sa showbiz. Kaya naman sobrang saya ng mga loyal fans ng dalawa na hanggang ngayon ay umaasa na muling mabubuhay ang dating pagmamahalan.

 

WALANG BAKAS ng pagsisisi sa mukha ni Polo Ravales nang magpalagay siya ng napakalaking tattoo sa kanyang kanan dibdib at braso.

Matagal na raw niyang gustong magpalagay pero pinag-isipan niya nang mabuti ang design at kung sino ang gagawa. Kaya naman nang matapos ay marami ang nagulat nang makita ang malaking tattoo sa kanyang makinis na balat.

Ayon kay Polo, panahon na raw gawin niya ang gusto niya dahil gusto niyang magkaroon ng sariling character.

“Kung ang role na ipagkakaloob sa akin ay mabait, madali naman takpan ng make-up.Kaya puwede pa rin naman ako sa kahit anong role na ibigay sa akin,” say ni Polo.

Jennylyn-MercadoKasama si Polo sa Pyra, Babaeng Apoy bilang si Tito na naghahanap kay Pyra  na ginagampanan ni Thea Tolentino para pagkakitaan sa masamang paraan.

Samantalang may sariling business palang pinagkakaabalan ngayon si Polo, ang pagma-manage ng resto sa Parañaque na Mandarin Palace resto kasosyo ang matalik na kaibigan.

Karamihan nga raw ng nakikita niyang kumakain sa resto ay kapwa niya artista na madalas magpunta roon at kumain ng mga Chinese foods, Pinoy foods, atbp putahe.

 

HINDI NA kami nagtaka nang itsika ng kasamahan natin sa panulat na halos maghubad na raw si Aljur Abrenica sa nakaraang nitong concert.

Natural lang na gawin lahat ni Aljur ang magagawa para mag-klik ang first concert niya at hindi maging flop.

Kaya nga kahit nasa audience ang girlfriend niyang si Kylie Padilla, wala itong pakialam kung magselos man ang dalaga ni Robin Padilla sa number ng actor sa ka-loveteam na si Kris Bernal na isa sa naging guest niya sa concert.

Wala at hindi nakarating ang kapatid ni Aljur na si Vin na kasama dapat niya sa concert dahil sa araw mismo ng show ay nagka-Dengue ang nakababatang kapatid.

Anyway, kahit hindi napuno ang venue, masasabing pa ring successful ang concert ni Aljur dahil nagawa niya ang gusto niyang gawin sa show na ikinatuwa naman ng mga nanood.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

6 thoughts on “Jennylyn Mercado, nagsalita na sa hiwalayan nila ni Luis Manzano

  1. Nyahaha. Music Museum na nga lang hindi pa napuno ni Kahoy Prince of Acting. Nyahaha. Parang ung Mega Hype Pop Sweetheart DAW ng Asia! TAKE NOTE!!! Mega CLAIM ang BUONG ASIA!!! Nyahaha. Na si Julie Babajeeee na MAGBABABOOO na rin ang FLOP na serye. Nyahaha…

  2. LUISA broke up with jen mercado kasi LUISA nga siya, sayang ok pa naman si Vilma at EDu ah well move on na lang, pero sana jen huwag ng mukhang babalu at LUISA ang next bf mo

  3. ginawa na lahat ng aljur kahit ang paghuhubad para tauhin ang concert niya hahaha! sana nag-all the way na lang para mas maraming nanood na mga bading hahahaha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.