Jennylyn Mercado, naghubad muli sa magazine – Lolit Solis

WORRIED NGAYON SI Jennylyn Mercado sa Mommy Lydia niya dahil nagkasakit pala ito.

Pinasok niya ito ng hospital at hanggang sa nakalabas ay hindi pa rin daw matukoy kung ano talaga ang sakit nito.

Kaya under observation pa rin ito hanggang ngayon. May mga test daw na ginawa at hinihintay pa nila ang resulta.

Bumaba lang daw ang dugo niya at minsan nga ay parang hinamatayin daw siya.

Hindi pa raw alam kung sa baga ang sakit nito. Sabi ni Mommy Lydia, kung hindi pa rin daw malaman, iti-test daw ang bone marrow nito.

‘Yan ngayon ang pinoproblema ni Jennylyn dahil hindi pa nila alam kung ano talaga ang sakit ng Mommy niya.

Pinapagpahinga lang daw muna nila ito sa bahay at sana nga ay tuluy-tuloy na raw ang paggaling.

Sana gumaling na si Mommy Lydia at ang bait pa naman nito sa amin.

Si Jennylyn pala ang cover sa November issue ng FHM at nag-pictorial na ito.

Mas daring daw ito sa mga una niyang pictorial kaya pinaghandaan ito nang husto ng young actress.

[ad#post-ad-box]

May limitations pa rin naman daw siya sa pagpapa-sexy pero willing na siya dahil nasa tamang edad naman siya at proud naman siya dahil kahit may anak na siya, na-maintain pa rin niya ang ganu’n ka-sexy.

Sa Ikaw Sana nila ni Mark Herras ay may mga eksena na silang medyo may pagka-daring dahil kahit si Mark ay ready na rin magpa-sexy.

ASAHAN NATIN NEXT year ang kasalang Vic Sotto at Pia Guanio!

Nang makausap ng Startalk si Bossing Vic sa shooting ng Ang Darling Kong Aswang, sinabi naman nitong pinag-uusapan na nila ang kasalan dahil iyun naman daw ang kahihinatnan ng relasyon nila.

Hindi pa lang nga niya masasabi kung kailan, pero malamang na sa susunod na taon na ito dahil pinag-uusapan na nga raw nila.

Noon pa man ay sinasabi na ni Vic na si Pia na raw ang huling babae sa buhay niya kaya ito na nga ang pakakasalan niya.

Hindi naman daw nila ito itatago. Kapag may napagkasunduan na raw sila, sasabihin nila ito sa lahat at very proud sila sa kanilang pag-iisang dibdib.

Tinanong ng Startalk si Bossing Vic na kung sakaling mag-asawa na sila ni Pia, ano ang gusto nilang baby. Siyempre, kailangan magkaanak sila agad dahil hindi naman bagets pa si Bossing no!

Sey naman niya, okay lang sa kanya kahit boy o girl ang first baby nila ni Pia. Pero tingin daw niya, mas type ni Pia ang baby boy dahil karamihan daw sa mga pamangkin niya mga babae.

Pero siyempre, kasal daw muna bago ang baby. Kaya abangan na lang natin ang announcement nilang dalawa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Jennylyn Mercado, naghubad muli sa magazine – Lolit Solis

  1. hoi..wat s ur user nem JUMAD? ew cheap nmn…

    wag mo ngang pagsabhan ng ganyan c jen na laos na cya

    baka ang buhay mo ay laos na …dapat ang buhay mo ay nandun na sa cemetery..hahha akala mo kung cno ka para magsalita ng ganyan kay jen..??LOOSEER.. do u think jen is falls n 3rd category? really? o c”mmon kung laos na c jen hindi mo na cya makikita sa tv….lol..

    alam mo ang sabi mo s apangatlo na LAOS KANA UMASA KA NA FINALLY MAKABANGON KA….

    GANYAN nmn talaga c jen kung sa kaling laos na cya hindi parin nya pabayaan sarili nya kac she s STILL STRONG….

    BAKA naiinis ka lng sa kanya ,,,,ur such a loser yaya.. hahahha…lkaw ang LAOS..shit.. kiss my ASS wat station r u watching 3? ow cheap,,, loserr GMA S ALWAYS NUM. 1 EVER.. hahha…

  2. ahhmmm…

    ang pangit nmn nabalitaan ko kacng gus2 na daw ni jen maka trabaho c patrick pangit na mn dun…

    marami ang nag reklamo bakit pa gus2 pa niya 82ng maka sama sayang nmn marami ang humanga nila d2 sa amin na bagay raw cla ni mark herras..

  3. OA naman ng title ng article! yung dati nya sa FHM tamed yung pegs kaya kahit men’s magazine sya di bastusin ang dating

  4. at least she is still sexy and may ipapakita naman sya..

    if she is laos, dapat wala na syang tv show or d mo na sya makikita sa tv..

    i like jennylyn kc she is strong and nakaya nya na lahat..

    madami akong kakilala dito sa dubai na like sya unlike other artists..

  5. PAGHUHUBAD, 3 bagay lang yan….
    UNA, kasi nag uumpisa pa lang ang career mo kaya gusto mo mapansin ka agad
    PANGALAWA, you’ve been in the showbiz too long and you are wise to choose your career path and so you know this is a good career move
    PANGATLO, LAOS ka na, kaya umaasa ka na finally makabangon ka.

    I think Jennylyn falls in the 3rd category.

  6. MAGHUHUBAD NA NAMAN SI JENNYLYN M.,GO INDAY TUTAL WLA NAMANG KWENTA ANG CAREER MO.LAHAT NA GAWIN MO PARA MAIBANGON MULI ANG NAGHIHINGALONG CAREER…SIKAT LANG SYA SA MOTHER STUDIO NYA..PWE!!!

    • yes.. maghuhubad na nmn c jen
      bkt nsecure ka ba? sa kagandahan nya?
      ikaw ang wlang kwenta…sikat cya n all studio..

      ikaw ang hindi ckat kac hindi ka kilala sa buong bansa
      hindi ka minahal sa buong bansa si minahal ng buong bansa .. hahah MARKJEN.or JENPAT.

Leave a Reply

Your email address will not be published.