Jennylyn Mercado, may bagong Luis Manzano?

Jennylyn-MercadoAWARE SI Jennylyn Mercado sa pagiging vocal ni Luis Alandy na crush siya nito. Although hindi naman daw sila nagkakausap ng aktor, flattering daw ito para sa kanya.

“Hinahangaan ka ng isang tao, siyempre nakakatuwa rin ‘yong pakiramdam,” aniya nga.

After nilang mag-break ni Luis Manzano, may isa pang Luis ngayon na nag-a-admire sa kanya?

“Okey lang,” nangiting sambit ni Jennylyn. “Medyo awkward lang kasi parang… pareho?” sabay tawang biro pa niya.

Isa pang Luis ang malamang ay maging malapit nga sa kanya? “Okey lang naman. Kahit anong pangalan pa ‘yan, okey lang.”

Ready na ba siyang magmahal ulit? “Hindi pa. Hindi pa. Not now.”

Kailan kaya niya muling bubuksan ang kanyang puso para sa panibagong pakikipagrelasyon? “Hindi ko alam. Hindi ko masasabi, eh. Kasi baka mamaya merong… ‘di ba?

“Sa ngayon ang masasabi ko… wala. Wala. It’s so soon. Four months… five months, ‘di ba?” mula nang mag-break sila ni Luis Manzano ang ibig niyang sabihin. “‘Pag mga six months na!”

Masaya naman si Jennylyn sa magandang feedback tungkol sa kanyang pagganap sa pinagbibidahan niyang series sa GMA 7 na Rhodora X. Marami talaga ang nagsasabing very convicing ang portrayal niya ng kanyang role bilang isang babaeng may split personality.

“Buti hindi ko nadadala sa bahay ‘yong character ko. Huwag naman! Matatakot naman si Jazz!” pagtukoy niya sa anak nila ni Patrick Garcia.

Pinapaiwas ba niya si Jazz na manood ng pinagbibidahan niyang serye?

“Hindi… by 8 pm tuloy na siya, eh. So, hindi siya nakakapanood. And hindi ko rin siya papanoorin. Kung manonood man, dapat kasama kami. I make sure na everytime na matatapos ang taping, bibitawan ko lahat sa set. Uuwi ako na si Jennyln na nanay. Bibitawan ko lang. Kailangan may mga kasama ka na nakaka-uplift sa spirit mo, eh.”

Anong feeling now that she’s getting good reviews sa kanyang acting sa Rhodora X?

“Siyempre nakakatuwa. Kasi naa-appreciate nila ‘yong hirap ng ginagawa namin. Hindi rin naman madali ang maging artista at mag-portray ng isang character. So, I think ‘yong appreciation is… a lot na.”

Puwede na siguro siyang matawag na Kapuso Drama Queen. “Hindi!”

Takot siyang baka sila naman ang intrigahin ng itinuturing na Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera?

“Hindi. Hindi naman. Basta… magkaibigan kami,” pagtukoy niya sa kasalukuyang samahan nila ni Marian.

“Hindi ko kayang tapatan. Iba pa rin ‘yong level niya siyempre.”

Gusto nga raw niyang makasama sa isang project si Marian. Kahit maging kontrabida pa umano ang kanyang role.

“Oo naman. Tatanggapin ko kahit anong role ang ibigay sa akin. Ano naman, eh… ‘yong GMA full support naman. Hindi ako nag-i-expect ng kahit ano. Ayokong mag-expect ng kahit ano. Pero, ‘yon… siyempre masarap din na may bunga ‘yong pinaghihirapan mo.”

She’s also coming up with her new album. At excited daw siya na nakapasimula na siya sa pagri-record nito.

“Sa May na ang release namin. Wala pang title. Binubuo pa namin. ‘Yong isa, na-record ko na. Tapos may tatlo pang naka-line up na for recording this coming week. All original songs ang magiging laman ng album ko,” sabi pa ni Jennylyn.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Jennylyn Mercado, may bagong Luis Manzano?

Leave a Reply

Your email address will not be published.