Jennylyn Mercado, matakaw sa publicity – Cristy Fermin

INILIBING NA NU’NG isang araw ang kuwento na minsan ay nagpunta ang kinagisnang ina ni Jennylyn Mercado, si Mommy Lydia, sa opisina ni Senador Bong Revilla, Jr. sa Senado para manghingi ng pampinansiyal na tulong.

Nagbigay raw naman ang senador, kaya biglang kumalat ang isyung may relasyon sila ni Jennylyn, isang kuwentong kahit kailan ay hindi man lang nilinaw ng batang-ina para sana’y hindi na kumalat na parang apoy ang kuwento.

Hinamon ng mga empleyado ni Senador Bong ang mga nagkakalat na sabay-sabay nilang tingnan ang logbook ng guwardiya sa ibaba, isama na rin nila ang mismong logbook sa opisina ng senador, para malaman nila kung totoong nagpunta nga du’n ang ina ni Jennylyn para manghingi ng ayudang pampinansiyal.

Nakatala sa logbook ang lahat ng mga bisita ng senador, pati na ang mga transaksiyong nagaganap sa apat na sulok ng opisina, du’n malalaman kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang nag-iimbento lang.

Patotoo ni Portia Ilagan, ang kaibigan naming pinagkakatiwalaan ni Senador Bong, “Our records will prove and show that Jennylyn’s mom never went there to ask for some financial assistance, it never happened!”

Kung bakit naman kasi itong si Jennylyn Mercado, napakadaldal ng babaeng ito at patulera sa kung anu-anong katsipang isyu, pero kahit minsan ay hindi ito naglaan ng panahon para liwanagin ang mga kumakalat na kuwento sa pagitan nila ng senador.

Gusto na tuloy naming maniwala sa bulong ng isang kasamahan sa trabaho na mas may isyu tungkol sa kanya ay mas masaya si Jennylyn para hindi ito mawala sa sirkulasyon.

“Naku, ikinatutuwa niya ang mga ganyang kuwento, hindi niya agad papatayin ‘yan! Masyadong matakaw sa publicity ang babaeng ‘yan!” puna ng aming kasamahang manunulat.

At mukhang totoo nga ang obserbasyon, kung anu-anong isyu na ang lumalabas tungkol sa kanila ni Senador Bong, pero prenteng-prente lang si Jennylyn.

Salamat sa logbook ng mga guwardiya sa Senado sa unang palapag ng gusali, salamat din sa mismong logbook sa opisina ni Senador Bong, kundi dahil du’n na nagpapatotoong walang katotohanan ang kuwento ay patuloy pa sanang nananagana si Jennylyn Mercado sa isyu.

In My Life Cast, umalis patungong Amerika

UMALIS NA KAGABI papuntang Amerika at Canada si Governor Vilma Santos para sa international screening ng matagumpay niyang pelikulang In My Life. Nauna na sa kanya sina John Lloyd Cruz at Luis Manzano, dumalo muna ang dalawang aktor sa anibersaryo ng TFC, du’n na lang sila magkikita.

Masusuwerte ang mga kababayan nating matagal nang naninirahan-nagtatrabaho sa Los Angeles, San Francisco, New Jersey, Calgary at Toronto, Canada, dahil personal nilang makikita ang mga bida ng pelikula habang pinanonood nila ang obra ni Direk Olive Lamasan.

Inayos munang lahat ni Governor Vilma ang kanyang mga kompromiso sa Batangas bilang ina ng probinsiya, matagal na siyang nagpaalam sa kanyang mga nasasakupan na kakambal ng paggawa ng pelikula ang promo sa ibang bansa, walang narinig na reklamo ang aktres-pulitiko sa kanyang mga kababayan.

Sabi ni Governor Vilma nu’ng huli namin siyang nakakuwentuhan sa telepono, “Bago ako tumanggap ng anumang project, inuuna ko muna ang pagbibigay ng respeto sa mga constituents ko.

“Nagpapaalam ako sa kanila, ipinaliliwanag ko sa kanila na bago ako pumasok sa mundong kinabibilangan ko ngayon, artista muna ako. Totoong-totoo, nami-miss ko ang pag-arte, nami-miss ko ang showbiz, talagang hindi ako puwedeng ilayo nang basta-basta sa mundong unang minahal ko,” pahayag ng maganda pa ring Star For All Seasons.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

16 thoughts on “Jennylyn Mercado, matakaw sa publicity – Cristy Fermin

  1. you know what cristy, if that bitch mouth of yours wont say anything good’, could you just pls shut up…’ sino ka ba? sikat ka b? tanda mo na chismosa ka pa.. go to hell…

  2. bakit kapag nagsusulat tong c cristy fermin eh para na lang laging tama xa, ska pansin ko lang mabait lang xa sa mga taong nbibigyan xa ng pera.. eh di ba nagkagalit cla ni kis aquino dahil sa kadaldalan nia during james and hope scandal,, xado kcng pakialamera pati personal ng buhay ng ibang artista pinakikialaman nia..

    nababayaran ka ba?

  3. imao jennylin its kinda of oa na she dont have to tell d world na ay ayoko punta dun bka dun c patrick etc. etc. we dont really know d whole story nman kc mostly its jennylin side that’s we always heard, dapat kc sa kanila nlang yun for d sake of her bb kc khit anong gawin she cant deny d fact that patrick is still d father of her child..

  4. alam mo cristy sabi nga ng ina ni patrick wala syang apo at sa kapatid lang na buntis ang magiging first apo nya. tama jennelyn hwag mong ipakita ang bata kay patrick dahil kahit minsan di ka nya pinaglaban, at akala naman nung ina ni patrick mayamang mayaman sya,, e tugak din

  5. anna banana says:
    September 24, 2009 at 11:44 am

    eh gagu ka pala. kung iakw ang nasa katayuan ni jennylyn, at i-deny ni patrick ang anak nyo? aber? magkakandarapa ka bang ipagduldulan ang anak mo sa taong umayaw sa kanya? come on! may pride pa rin naman sha. and we must admire her, dahil kaya nyang itaguyod ang anak nya na di umaasa sa walang bayag na ama ng bata.

    KOREK ITO!!!!!!!!!!!!!!!!!

  6. hay naku cristy, bumanat ka na naman. kelan ka ba mamamatay? maniwala ka, yours will be a long and painful death, karma sa mga kasinungalinan at basurang sinusulat mo just for money. well, wala nmanag nakakapagtaka, anu ba ang lalabas sa isang basurahan kundi basura? di ako maka-jennylyn, i just hate it when people like this cristy fermin (WHO DOESNT HAVE AN INTEGRITY AND CREDIBILITY TO SPEAK OF) malign other people. oo, trabaho mo ang magsulat, jan ka kumikita, but to the expense of others. kung ipagdamot man ni jennylyn ang anak nya sa ama nito, karapatan nya un. patrick wasnt man enough to stand for jennylyn and their baby. walang bayag. mama’s boy. it’s understandable na ganun ang gawin ni jennylyn dahil nasaktan sha. kung matakaw man sa publicity si jennylyn, natural un dahil artista sha. sino bang artista ang ayaw ng publicity. cristy alam mo dapat yan, boba ka. GOOD OR BAD PUBLICITY IS STILL PUBLICITY. at jan ka nabubuhay gaga. kung wala kang sisiraang tao, wala kang lalamunin demonyo ka. kaya wag kayong magmalinis dahil mas maitiM pa ang kaluluwa mo sa mga taong isinusulat mo. BAYARAN! STUPID BITCH!

  7. kayong mga reporters lang naman ang nagpapalaki ng issue e. ayaw patulan ni Jennylyn ang issue kasi hindi naman totoo. ke magsalita sya o hindi pinagbibintangan nyo pa rin syang publicity-hungry. sino ba namang gustong ma-link sa isang may asawa? ang tagal na nyang na-clear ang issue na yan pero binabalik-balik ng mga walang magawa sa buhay. sinasabihan nyong laos pero sulat pa rin kayo ng sulat.

    magsama kayo ni Jobert Sucaldito. mga walang magawang matino sa buhay. palibhasa alam nyong di kayo kayang labanan ni Jennylyn kaya sya palagi ang tinitira nyo. mga walang puso! makarma sana kayo!

  8. ang pangit naman ng picture ni Jennylyn dito, mukha nga siyang KSP at maarts sana ‘wag na niyang ipagdamutan ang anak niya dun sa tunay ama.

  9. WALA NAMANG CAREER ETONG SI JENNYLYN!PUBLICITY NYA SUCKS JUST LIKE HER MADAMOT SA ANAK NILA NI PATRICK AKALA MO KUNG SINONG SIKAT PATI ANAK NYA GINAGAMIT NYA NA PARA MAGKAPERA,AKALA KBA ITINATAGO NYA PA ETO NUN AYAW PAKITA SA MADLANG PIPOL.STUPID BITCH!

    • eh gagu ka pala. kung iakw ang nasa katayuan ni jennylyn, at i-deny ni patrick ang anak nyo? aber? magkakandarapa ka bang ipagduldulan ang anak mo sa taong umayaw sa kanya? come on! may pride pa rin naman sha. and we must admire her, dahil kaya nyang itaguyod ang anak nya na di umaasa sa walang bayag na ama ng bata.

      • korek ka dyan! kung sa akin man nangyari iyon ay ganuon rin ang gagawin ko, hindi ko ipakikita sa kanya ang anak ko. Magdusa siya.

      • As far as I remmeber, Jennylyn had denied this issue already. Baka hindi ka lang aware Ms. Cristy. Besides you can’t blame Jen for that attitude, marami na siyang pinagdaaanan kay Patrick especially sa nanay nyang selfish. I liked Patrick though until now kasi I find him like a loner parang walang friends sa showbiz and acting wise magaling.. Pero I must admit though na wala siyang backbone. Always depend on his staged mother. At least Jen proved to all that she can survived her child, with or withour the fathers help.

Leave a Reply

Your email address will not be published.