Jennylyn Mercado, matagal nang alam na may anak na si Mark Herras

Jennylyn-MercadoJennylyn-MercadoTODO-SUPORTA SI Jennylyn Mercado sa ex-boyfriend na si Mark Herras sa pag-amin nito sa kanyang 3-month old baby.

Ayon kay Jen, bago pa sumalang si Mark sa Startalk last Sunday para aminin nito ang pagiging binatang ama, naririnig na nang una ang tsismis tungkol sa pagkakaroon ng anak ng ex-boyfriend. Ayaw raw niyang magtanong dahil baka isipin ni Mark na pakialamera siya.

Gustong iparating ni Jen kay Mark na blessing ang pagkakaroon ng anak dahil iba raw ang maibibigay nitong fulfilment at inspirasyon sa buhay ng isang tao. Saka nasa tamang edad na raw naman si Mark para magka-baby.

Hindi raw puwedeng husgahan ni Jen si Mark dahil bukod sa kaibigan niya ito ay naging dalagang ina rin siya.

Tungkol naman sa umaasang magkakabalikan sila ni Mark, wala na raw talaga siyang nararamdaman na muling tumibok ang puso nila sa isa’t isa.

Sa ngayon ay sarado raw muna ang puso niya at matatagalan pa raw bago siya pumasok muli sa panibagong relasyon.

Wala naman daw siyang pinagsisihin sa mga nangyari sa kanyang buhay. Dahil sa mga nangyari ay mas lalo raw siyang naging matatag sa lahat ng uri ng pagsubok sa buhay.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Jennylyn Mercado, matagal nang alam na may anak na si Mark Herras

  1. kaya ayaw na niyang makipagbalikan kay mark kasi nga nakabuntis na. dyusme, eh ano naman kung binatang ama si mark… dalagang ina naman siya noh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.