Jennylyn Mercado, kabado pero excited na makatrabaho si Gov. Vilma Santos!

KUNG TSAKA ang Valentine’s Day ni Dra. Vicki Belo, bongga naman at masaya ang paborito kong lovers na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Medyo na-late lang daw sila sa dinner nila sa isang resto sa Maynila, kasi galing pa nga si Dingdong sa guesting nito sa concert nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. Pero masaya raw sila dahil nagkaroon ng konting kuwentuhan na silang dalawa lang talaga.

Doon ibinigay ni Dingdong ang Valentine’s gift niya kay Marian, pero ayaw naman niyang sabihin kung ano ‘yun. Wala na nga raw silang mahihiling pa dahil maganda ang takbo ng kanilang relasyon. Kaya naman relax lang si Marian at hindi na nasasangkot sa kung anu-anong away at intriga.

Ang isa pang ikinatuwa ni Dingdong ay ang pagkasali kay Marian sa 10 International Beauties. Pang-siyam yata si Marian, pero sabi nga ni Dingdong siyempre number one sa kanya ang aktres.

Bagay na bagay nga sila dahil napasama rin si Dingdong sa 10 sexiest man in the world at ngayon si Marian naman sa international beauties. Ang ganda-ganda nila, ‘di ba?

MASAYA RIN at very positive ang dating ng relasyong Luis Manzano at Jennylyn Mercado. Hindi naman daw totoong engaged na sila, pero inaamin naman niyang seryoso na ang kanilang relasyon.

Pero hindi pa raw talaga pinag-uusapan ang kasal, kaya nagugulat na lang sila bakit patuloy pa ring lumalabas ang ganu’ng kuwento. Kung si Jennylyn ang masusunod, sana nga raw si Luis na ang makakasama niya habambuhay. Pero masyadong maaga pa raw para pag-usapan ang kasal.

Pero malaki raw ang ibinago ni Luis sa kanya, at ganu’n din naman ang huli. Kaya suportado naman ito ni Gov. Vilma Santos dahil nakikita niyang masaya ang kanyang anak kay Jennylyn.

Sa Batangas pala magti-taping ang Manny, Many Prizes ngayong linggo at kasama roon si Jennylyn. Special guest co-host daw nila si Gov. Vi kaya excited si Jennylyn na makakasama ang ina ng love niya siyempre.

Medyo may konting kaba raw, pero mas excited dahil ngayon pa lang daw sila magkakasama sa trabaho.

Naku! Abangan natin ‘yan!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Jennylyn Mercado, kabado pero excited na makatrabaho si Gov. Vilma Santos!

  1. oh di ba? predicted na ang future ni manang jennylyn. panu kasi nakagawian na niyang magpalit ng BF every year. 

  2.  mga leche kayo nag aaway pa kayo! d naman talga magtatagal yang c jennylyn at si luis  noh!mkatapos magchukchakan nyang dalawang yan eh maghihiwalay lang din yan..c jennylyn parausan lang yan ng mga lalake sa showbiz!!!

  3. hoy HALIPAROT, ang puso mo! hahahaha lahat ng comment ko dito sa pinoy parazzi against ka or may negative feedback sa akin, hahahaha. tanga ka ba o sadyang bobo lang? hahahaha (violent reaction na naman yan!hahahaha) kaya nga may comment box dito eh para makapagcomment ang mga readers nitong site either negative or positive man ang mga ikinocomment, kung gusto mo ng mala anghel at puro positive at walang freedom of speech (lalim!) na mga comment, pumunta kang PEP.Ph .. hahahahaha. wag ka masyado affected sa mga comment ko teh! hahahahahaha 

  4. wala ka abng buhay panget na krissy! lagi ka na lang nandito ebal ka! inggit ka lang kasi kahit aso di ka papatulan! hayup!

Leave a Reply

Your email address will not be published.