Jennylyn Mercado, itinangging kasama si Dennis Trillo sa pagbabakasyon!

NALOKA SI JENNYLYN Mercado nang nakatanggap ng text sa amin nu’ng nakaraang Biyernes Santo kung totoong magkasama sila ni Dennis Trillo na nagbabakasyon sa Cebu.

“Sa Plantation Bay po ako, kasama ko pamilya ko. Puwede n’yong i-check dito kung may Dennis Trillo rito,” text back sa amin ni Jennylyn.

Nagtataka lang daw siya kung bakit hindi matapus-tapos ang intriga sa kanila ni Dennis gayung wala namang namamagitan sa kanilang dalawa.

Naging close lang daw sila ni Dennis dahil magkasama sila sa Gumapang Ka sa Lusak, pero hanggang friendship lang daw talaga.

Pero may mga ilang namamalisyahan sa closeness nila lalo na’t may nakarinig minsan na sinabihan daw ni Jennylyn ang anak niyang si Alex Jazz na malapit na itong magka-Daddy. Akala ng mga malisyosang nakarinig, si Dennis na ang tinutukoy nito.

Pero consistent ang sagot ng dalawa na okay sila as friends, pero ang mga tsismis na magkasama sila ay hindi raw totoo.

Bago mag-Holy Week ay may nakakita ring magkasamang nanonood ng basketball sa San Juan Sports Arena sina Dennis at Jennylyn pero sey naman ng huli, hindi lang daw sila ni Dennis ang nandoon, kundi ang iba pang cast ng Gumapang Ka sa Lusak dahil nag-perform daw sila roon.

“Naku, ewan ko ba! Bakit ayaw kaming tigilan ng mga ganu’ng isyu,” dagdag pang text sa amin ng young actress.

Pero sa totoo lang, kung sakaling magkadebelopan silang dalawa, wala naman sigurong masama dahil hindi naman daw committed si Jennylyn sa iba. Ewan ko lang kung sina Dennis at Cristine Reyes pa rin dahil nakikita rin silang magkasama at sweet nu’ng nakaraang birthday party ng huli.

MULING NAGKITA SINA Katrina Halili at Hayden Kho kahapon ng umaga sa Pasig-RTC dahil sa simula na ng trial ng kasong Rep. Act 9262 na isinampa ni Katrina laban kay Hayden.

Si Katrina ang unang isinalang bilang witness at umabot ng halos tatlong oras ang hearing dahil pinanood pa ng judge ang sex video na ‘yun.

Nilinaw lang ng abugado ni Katrina na ang kasong dinidinig ay ang Rep. Act 9262 (Anti-Violence Against Women and Children), kung saan nagkaroon ng Psychological Violence kay Katrina dahil sa pag-video sa sexual act nila ni Hayden nang hindi alam ni Katrina.

Matindi ang balitaktakan ng abugado ng dalawang kampo kaya tumagal ang hearing at hindi pa ito natapos.

Sa April 19 ipagpapatuloy ang susunod na hearing, kung saan itutuloy ang direct examination kay Katrina. Depende pa ‘yun kung matatapos agad para itutuloy na sa cross-examination ng abugado ni Hayden kay Katrina.

Kaya mahaba-haba pa ang tatakbuhin nito at mapapadalas ang pagkikita nina Katrina at Hayden sa korte.

Pahayag naman ni Katrina, wala naman daw siyang nararamdaman nang nakita muli si Hayden. Bumabalik lang daw ang sakit nito nang muling pinanood ang sex video nila ni Hayden.

Abangan ang buong detalye ng kuwentong ito sa Startalk.

By Gorgy’s Park

loading...

17 thoughts on “Jennylyn Mercado, itinangging kasama si Dennis Trillo sa pagbabakasyon!

  1. pwede talaga siya maging artista hehehe kase sinungalin, mostly naman nasa showbiz sinungalin e, deny to death pa nasa hongkong pala, ano ba masama kung aminin nila sila na aihhihihi atleast mas matutuwa pa ang tao sa kanila kesa nahuhuli sila sinungalin

  2. bat ang daming bastos dito? sana lang ung mga ginagawa nyo kay jen ngayon.. d rin mangyari sa mga loved ones ung girl.. nandyan lang ang karma..

  3. yap if they only saw jen in person super ganda nya and sexy.. ung face nya parang doll..

    if i were you guys look nyo muna sarili nyo before kayo mamintas..

    i hope lang na di kayo magaganda kc sayang naman kung ganun ung mga ugali nyo..

  4. ang daming bitter sa mundo..he,he…

    chill out lang kayo dyan kc kahit anong gawin nyo, sikat pa din jen…

  5. DENNIS TRILLO SAYS :

    AAMUYIN KO LANG KEPYAS JEN KUNG MABAHO NGA BA TLGA!!! SYA NMAN KASI ANG FLAVOR OF THE MONTH KO!!!

  6. jen says:
    April 7, 2010 at 9:54 am
    Mabaho ang Kepyas ni Jennylyn Mercado kaya cya iniwan ni Patrick Garcia.

    Sing baho ng kepyas mo? Bakit kepyas mo mabango? Ewwww!

  7. lahat nalang ng paninra ginawa nyo kay jenelyn hindi ko man siya kilala kaya lang hindi na maganda sobra ng gingagago siya eh wala naman kasalanan yong tao,.
    magtino na kayo tingnan nyo muna sarili nyo at bago kayo mag comment klaruhin nyo muna.animal tong mga gago dito…mga walang puso kala mo kung sinong malilinis…pweee

  8. sira ulo ka may tuyot kasi yang ulo mo gago ka…kung galit ka kay jenelyn wag kang manira gago ka.
    tingnan mo munsa sarili mo tanga ka.bakit nainggit ka kay jenelyn na gago ka.siguro binayaran ka animal ka ng mga garcia tanga ka gago ka,
    jenelyn na nga kawawa parang inabuso mo pa sa pananalita mo na gago ka.bitch

  9. Kayo naman, hindi lang maganda ang kuha sa picture niya diyan pero kapag nakita mo siya in person mapapa-WOW ka kasi hindi siya mukhang nanganak at mukhang mommy. Kahit si Kristeta ay na-amazed sa kakinisan ng kutis niya. Napanood ko sa the buzz at binanggit pa ni Kris.
    Now, kayo naman ang manalamin at sipatin ang mga sarili bago mamintas. Gets?

  10. hahahhaiizzz itz nt new to us..she’s a big liar..kaya lang naman nagustuhan xa nang mga tao dahil sa AWA na tinalikuran ni patrick ang anak nya..nakU jen super landi mo tlga..tingnan mo sarili mo napaka lusyang mo na..magfocus ka muna sa career mo at alagaan nang mabuti ang anak mo..wag ka muna magfocus xa mga lalaki baka ilang yrs masundan na naman c aj..pansin ko kay jen she cant live without guyz!! magbeauty rest ka muna ining pra bumalik ang dati mong bloom..ang laki nang tinanda mo ngayon,even ur t.v. appearance

  11. Oo nga baket parang laki ng itinanda ni jennyln s dami cguro ng poblemang dinaanan wawa nman dapat s kanya magrelax at magmeditate go for yoga nakakarelax at nakakaganda………..

    Ok lang nman kung cla ni dennis eh pareho nman clang single so walang poblema ok yun para me mapagusapan s kanila free publicity nakakatulong saka bagay nman cla……..kaya lang parang controlling itong dennis eh pede na rin fafah nman cya boink!

Leave a Reply

Your email address will not be published.