JENNYLYN MERCADO, INOPERAHAN!

INOPERAHAN NU’NG BIYERNES sa St. Luke’s Hospital si Jennylyn Mercado para tanggalin ang tonsils nito. Ito raw kasi ang cause ng palagiang pagkakasakit ng aktres.

Ipinasok si Jennylyn sa operating room ala una ng hapon at natapos ng ala sais ng gabi, may tahi ito at sobrang masakit daw. Dalawang linggo siyang hindi muna makapagtatrabaho dahil kailangan niya ng pahinga. Mabuti na lang daw at wala pa siyang project sa GMA-7. Wala raw dapat ipag-alala ang mga fans niya. Nandoon din sa hospital si Dennis Trillo, ang kanyang boyfriend, na nagbantay sa kanya habang inooperahan.

PAULO AVELINO, NAGPA-SEXY NA!

Nag-sexy pictorial na si Paulo Avelino na ang suot-suot ay underwear lang! Kung noon ay nakilala ang aktor sa kanyang boy-next-door image at wholesome roles, ngayon, handang-handa na ang Starstruck avenger na magpaka-daring.

“First time kong mag-underwear, so nakakatuwa rin. Hindi ko rin in-expect sa sarili ko na magagawa ko ‘yon. Part of my career plan, we’re doing everything para mas ma-improve ang sarili ko,” aniya.

Hindi rin daw naging madali ang paghahanda para sa pictorial na ‘yon. “Consistent akong nagwo-workout saka long term diet. Matagal din akong nagdiyeta to achieve ‘yung body na makikita nila. Sina-substitute ko lang ‘yung carbs ko, instead of rice, I eat kamote, bread, less salt, more on white meat.”

Parazzismiz
By Maica Tidila

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.