Jennylyn Mercado, inaming ‘di na dinadalaw ni Patrick Garcia ang kanilang anak

MALAKI  ANG pasasala-mat ni Jennylyn Mercado kay Dra. Vicki Belo dahil sa suportang ibinigay sa kanya ng Belomed mula pa nu’ng nabuntis siya hanggang ngayon.

Sabi kasi ni Jennylyn, nu’ng kinuha siyang isa sa mga endorser, sobrang suportado na siya ng Belomed hanggang sa nabuntis siya, hindi siya iniwan kundi talagang sinuportahan pa rin siya.

Hindi pa sure nu’n si Jennylyn kung makabalik pa siya pagkatapos niyang manganak, hindi ito iniwan ni Dra. Belo kundi si-nuportahan pa rin nang husto at tinulungan na mabalik ang da-ting ganda ng katawan.

In fairness, nagawa ito ni Jennylyn sa tulong ng Belo kaya tuluy-tuloy na ito.

Ngayon ay may panibagong endorsement si Jennylyn sa Belomed na para sa skin care naman.

Nagpa-pictorial ito nu’ng kamakalawa lang at nagulat ang mga taga-Belomed sa kaseksihan ngayon ni Jennylyn.

Nakatulong pa raw kasi ang pagiging athletic niya kaya na-maintain ang ganda ng katawan at ang kinis ng balat na parang walang anak lang. Kaya tuwang-tuwa naman si Dra. Belo para kay Jennylyn.

Meron pa palang isang daring na pictorial si Jennylyn sa Bench dahil siya ang nadagdag na bagong endorser ng Bench Body kaya nagpa-pictorial siyang naka-underwear lang, at first time daw niya itong ginawa.

Bukod sa mga endorsements na ‘to, tuluy-tuloy ang trabaho ni Jennylyn sa GMA-7 na napa-karami niya palang shows, huh!

Bukod sa drama niyang Hindi Ka Na Mag-iisa, meron pa siyang hosting job sa Inside Protégé na nagsimula na nu’ng Lunes.

Sa August 5 naman ay magsisimula na siya sa Hot TV na papalit sa timeslot ng Showbiz Central. Tuloy rin ang pagiging singer niya sa Party Pilipinas at malapit na rin niyang i-launch ang bagong album niya sa Polyeast.

Bongga ha! Parang PR lang ako ni Jennylyn nito.

Pero abangan n’yo ang interview ng Startalk kay Jennylyn dahil napag-usapan dito ang tungkol kay Patrick Garcia na matagal na rin palang hindi nito nadadalaw ang anak nilang si Alex Jazz.

Ayaw ni Jennylyn na palakihin ito, pero natanong kasi sa kanya kaya sinagot naman niya at ayaw niyang magsinunga-ling.

Ayaw lang daw niyang magsimula ng panibagong intriga, kaya hindi na niya sinagot ang ilang pangungulit namin tungkol sa ‘di na pagpapakita ni Patrick sa kanilang anak.

 

ALIGAGA NGAYON ang karamihang mga artista rito sa Cinemalaya Film Festival na ‘to, huh!

Ang daming malalaking artistang involved sa mga pelikulang kalahok sa indie filmfest na ‘to kaya lagi silang nakikita sa CCP.

Kaya ang mga alaga ko parang type na ring gumawa ng indie film na isali sa Cinemalaya.

Ang isang interesadong magdirek ay si Paolo Contis. Type na type daw niyang sumali sa Cinemalaya as director kaya kinakausap na ang mga kaibigang artista na sumali sa kanya.

Sa Linggo na raw ang awarding ng Cinemalaya at malakas na pinag-uusapang hahakot ng awards itong Intoy Syokoy ng Kalye Marino na produced ni Boy Abunda siyempre!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

9 thoughts on “Jennylyn Mercado, inaming ‘di na dinadalaw ni Patrick Garcia ang kanilang anak

  1. hindi naman kasi tunay na anak ni patrick yung anak ni jennylyn mercado, anak talaga un ni bong revilla, itong malanding jennylyn, nakipagchukchakan kay bong nung may pelikula sila na pang MMFF noon. diba nga, naisulat ni ricky lo noon na tinanong nya sina lani at bong kung anak ni bong yung anak ni jen, nagkibitbalikat lang si jen, hindi nila kinonfirm o dineny, at naireport pa noon sa startalk na binigyan ni bong revilla si jennylyn ng mansion para sa anak nila at sa the buzz naman ininterview ng the buzz ang nanay ni patrick at nagmula pa sa mismong bibig ng matanda na hindi ang anak ni jennylyn ang una nyang apo kundi yung sa kanak ng apatid ni patrick na si cheska……………………….. kaya ano ba ang pakialam ni patrick sa anak ni jen? no big deal kay jen kung hindi na pansinin ni patrick ang “anak” daw nila kasi hindi naman nila talaga anak, at  eto pa, kaya todo pagtatanggol ni lolit si jen at patrick noon hanggang ngayon ay dahil alaga ni lolit si bong at ayaw nyang masira sya kaya pinatatahimik sina jen at patrick. ……………….. wew! ako na! ako na talga! hahahahahahahaha punta kayong st. lukes hospital, alam nila lahat din ang nalalaman ko hahahahahahaha

    • Wow, Krissy, nakakashock yong mga sinasabi mo, bago itech sa akin. Pero para yatang mestizo tingnan yong bata, kahawig sa Garcia side. Hmmmppppp, a very shocking info ito…………..

      • promise teh, anak talaga ni bong revilla yung anak ni jennylyn. tsaka tingin ko naman kay jennylyn kung talagang anak yun ni patrick at diumano’y hindi nya binibisita, syempre mag iingay si jennylyn diba? pero tignan mo sya, wala syang pakialam kasi nga hindi naman talaga si patrick ang ama. and besides, si jennylyn alagang alaga mi lolit kahit hindi naman nya alaga si jen, baka nga naman ikalat ng malanding jennylyn ang tunay na ama. hahahahahahaha

      • isa ka sa mga kamag anak ni bong teh? hahahaha wag bobo nakakadiri kang inutil ka! PWEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!!!!!!!! hahahahahaha

  2. e ano nman ngayon kung hindi na dinadalaw ni patrick ung anak nya eh dati naman ayaw din ni jennylyn ipakita anak nya dun sa tatay. tsaka cya ang ina dapat alagaan nya anak nya kesa ang inaasikaso nya eh panlalalake.

  3. Hindi magandang balita ito para kay Patrick. Irresponsible fader ang tawag dun. Sabagay yong pamilya naman ng lalaki parang mga matapobre tingnan lalo na yong sis nyang nakapag-asawa ng basketbolista. Super maarte.

Leave a Reply

Your email address will not be published.