Jennylyn Mercado, handa nang ipakilala ang anak kay Patrick Garcia?

Hay, naku! Gusto kong sabunutan itong si Dra. Vicki Belo na hindi madi-deny na inlababu talaga kay Hayden Kho.

‘Di ba ang sabi niya nu’n sa Startalk, napagkasunduan daw nila ni Hayden na hindi muna sila magkikita hanggang May 20 sa mismong kaarawan ni Hayden (na birthday ko rin, he-he-he!)? Para doon daw nila pag-isipan kung itutuloy pa rin ba nila ang kanilang relasyon o hanggang friends na lang talaga.

Hindi naman pala nasunod dahil nu’ng nakaraang hearing ni Hayden sa kasong Rep. Act 9262 o Anti-Violence against Women and Children, nandu’n ang Vicki para suportahan ito.

Iyon kasi ang araw ng arraignment ni Hayden at tingin daw niya, kailangan nito ng suporta kaya dumating ito na tamang-tama namang nakunan ito ng Startalk.

Aminado naman si Vicki na nami-miss na niya ito at kaya raw siya pumunta roon, at para maramdaman din niya kung in love pa ba siya o hindi na.

Hay, naku! Kahit ano pang sabihin nito, halatang in love talaga ito at ang ending sila pa rin.

Wala naman tayong magagawa kung magkainlaban pa rin sila ‘di ba? Sa dami ng pinagdaanan nila, siguro naman iba na ngayon ang pag-handle nila ng kanilang relasyon.

Basta ako, consistent ako sa pagsasabi sa kanya na sa kanya lang ang suporta ko dahil kailangan talagang pagbayaran ni Hayden ang ginawa nito kay Katrina Halili at sa iba pang babaeng nadamay sa sex video scandal.

Hindi sumipot si Katrina sa hearing na ‘yun dahil hindi naman daw siya kailangan pa sabi ng abugado nito.

Sa susunod nilang hearing sa March 8, kailangan na roon si Katrina at muli silang magkikita roon ni Hayden. I’m sure sasamahan na naman ito ni Dra. Belo.

INI-LAUNCH NGA PALA ni Dra. Belo ang bagong hot mommas ng Belo Medical Group na sina Jennylyn Mercado at Valerie Concepcion.

Sa press launch nito, dala-dala ni Jennylyn ang anak niyang si AJ na kamukhang-kamukha talaga ni Patrick Garcia. Siyempre, habang nakikita mo ang bagets, paulit-ulit na si Patrick pa rin ang tinatanong sa kanya.

Ganu’n at ganu’n pa rin naman ang sagot ni Jennylyn at hindi pa rin daw ito mababago. Wala pa rin sa plano niyang ipakilala ang kanyang anak sa aktor.

Dahil lagi niya itong dala-dala, posibleng magkasalubong sila ni Patrick, kaya tinanong ito kung ano ang gagawin niya kung sakaling masalubong niya ang ama ng kanyang anak. Ipapakilala ba niya ito?

Naku! Abangan n’yo na lang sa Startalk ang sagot niya. May panayam kami riyan kay Jennylyn.

Open naman daw siya sa posibilidad na magkatrabaho sila ni Patrick at hindi raw siya aatras. Trabaho lang daw ‘yun at gusto niyang ihiwalay ito sa personal niyang isyu.

Kung sakaling may pagsasamahan nga silang project ni Patrick, wala raw balak si Jennylyn na dalhin ang kanyang anak sa set.

Talagang matigas pa rin itong hindi niya ipakikita kay Patrick si AJ.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.