Jennylyn Mercado, diretsong itinanggi si Dennis Trillo

Jennylyn-MercadoNANG TANGGAPIN ni Jennylyn Mercado ang seryeng My Faithful Husband with Dennis Trillo at Mikael Daez, inihanda na niya ang sariling kakainisan siya ng manonood. Isang babaeng may asawa na pumatol sa ibang lalaki ang character na gagampanan niya sa bagong soap ng GMA 7. “Alam kong maraming magagalit sa akin sa bago kong role dito sa serye namin ni Dennis. Pero I’m sure magugustuhan nila ito dahil iba talaga. ‘Yung trabaho ng nanay at tatay baliktarin mo,” sambit ng actress.

Sa ngayon daw, hindi pa nakukunan ang kissing scene nina Jennylyn at Dennis. Mas naunang kunan ni Direk Joyce ang kissing scene at love scene nina Jenny at Mikael. “Si Mikael ang marami kaming kissing scene,” say ng sexy actress.

Para kay Jennylyn, sino kaya sa dalawang leadingman niya ang malambot ang labi? “Pareho lang.”

Reaction niya sa sinabi ni Dennis na love is lovelier the second time around? “Ano ba? Wala, hindi ko pa alam… Depende. Para sa akin, hindi. Oo. Nandu’n ako sa gitna, depende du’n sa klase ng kung gaano katindi ‘yung pagmamahal. Kung ano ‘yung pinagdaan ninyo. Willing ba kayong ayusin…”

If ever kukunan na ‘yung kissing scene nila ni Dennis, maiilang kaya ang dalaga? “Lagi naman, tuwing bago mag-eksena. Kailangan naming pagusapan, inuupuan namin ni Direk Joyce. Ganu’n kasipag si Direk, bawat eksena kailangan naming upuan. Para kaming magwo-workshop bago kunan ang eksena.”

Biniro namin si Jen, if ever magkagusto si Direk Joyce kay Dennis, hahayaan ba niya ito? “Okay lang, magpaparaya ako. Hahaha!”

Sinabi ng actress na always faithful siya sa lahat ng nakarelasyon nito. Na-experience na kaya niyang magkaroon ng unfaithful boyfriend? “Mayroon, hindi naman ganu’n kadami. Para sa akin, hindi na. Gawin mo nu’ng una, puwede mo pa siyang ulitin uli. Lalo na kapag ‘yun ang issue, trust issue, medyo nakakatakot mag-risk.”

Marami ang curious sa mabilis na development ng friendship nina Jen at Dennis, paano nangyari ‘yun? “Kasi noon pa naman kahit hindi pa kami nagkakaroon ng soap, lagi kaming nagkukumustahan.”

Inamin ni Jenny na masaya siya sa lahat ng nangyayaring maganda sa buhay niya at kasama na si Dennis. Kinalimutan na nila pareho ‘yung hindi magandang nangyari sa kanilang relasyon noon. “Sino ba ang hindi magiging masaya sa lahat ng blessing? Kumbaga ako, okay na ‘yung takbo ng career ko, pati sa pamilya ako. Maayos naman ang lovelife ko… Ayaw na naming pag-usapan ‘yun kasi ako as a person, hindi ako nag-aano sa negative, puro positive. Kahit gaano pa ‘yan ka-negative, hindi ako nagpapaapekto,” paliwanag ng actress.

Sa naging pahayag ni Dennis, hindi na kailangang aminin pa kung mag-dyowa na nga sina Dennis at Jennylyn. Sabi nga ng actor, action speaks louder than words, reaction ni Jenny? “Parang ganu’n na rin po. Kung anuman ‘yung sinasabi ni Dennis, huwag kayong maniwala roon. Hahaha! Naloka kayo, ‘di ba? Hahaha! Hindi kasi ‘yun ang pinag-uukulan ko ng pansin.”

Agree ba si Jenny sa lahat ng sinabi ni Dennis? “Oo, masaya. Wala naman dapat ikalungkot lalo na’t masaya ang takbo ng career namin.”

Gaano kaimportante ang personal life para sa kanya? “Personal life, ‘yun na ‘yung pinaka… Sa araw-araw na lang na nagtratrabaho ako na may camera, may script, may director. Lahat araw-araw walang mintis, para sa akin napaka-precious na ‘yun. Kung napapansin ninyo, kahit si Jazz ayaw ko munang pag-usapan. Kung magkakaroon man ako ng boyfriend, ganu’n pa rin ang gusto ko.”

Kung anuman ang namamagitan ngayon kina Jenny at Dennis, bigyan muna raw sila ng privacy. Para sa kanilang dalawa, sasarilinin muna raw nila ito para maging private ang kanilang relationship. Pero diretsong inamin ni Jen hindi pa raw niya boyfriend sa ngayon si Dennis. Pero sa tono ng kanyang pananalita, malaki ang pag-asa na maging sila muli ng binatang ama.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleDirek Antoinette Jadaone, direktor na rin ng teleserye
Next articleWinwyn Marquez, sinagot ang patutsada ng sikat na fashion designer

No posts to display