Jennylyn Mercado, ‘di big deal kung panghapon ang beauty niya

HINDI RAW big issue kay Jennylyn Mercado kung medyo matagal-tagal na siyang hindi nabibigyan ng primetime soap sa GMA-7. Ayon na rin sa mas gumaganda at sumeseksing young mom, hindi naman daw siya pinababayaan ng kanyang home studio at laging may trabaho.

At kahit nga raw medyo nami-miss na rin ni Jennylyn ang paggawa ng primetime soap na laging hinihiling ng kanyang mga tagahanga, dahil iba daw kasi kapag napapanood nila ang kanilang idolo sa primetime soap, okey lang kay Jennylyn. Ang mahalaga raw, hindi siya nababakante, kung saan tatlo ang kanyang regular shows, ang Party Pilipinas at Showbiz Central every Sunday, at Hindi Ka Na Mag-iisa na pang-afternoon prime ng Kapuso Network.

Bukod sa kanyang TV shows, magiging busy rin si Jennylyn sa paglabas ng kanyang pinakabagong album ngayong taon. Mas gusto raw kasing mag-work nang mag work nito hindi lang para sa kanyang sarili at magulang, kundi para na rin sa kanyang lumalaking anak.

At kung bongga ang showbiz career ni Jennylyn, panalo rin ang kanyang buhay-pag-ibig, dahil habang tumatagal ay mas lalong gumaganda ang pagsasama nila ni Luis Manzano na hindi naapektuhan ang kanilang relasyon ng kanilang busy showbiz schedules.

 

NANINIWALA RAW si  Ms. Cory Quirino, Chair & CEO of CQ Global Quest Inc. na malaki ang tsansang maiuwi ng reigning Miss World Philippines na si Queneerich Rehman ang korona ng Miss World 2012. At kahit nga raw maikli lang ang magiging preparasyon ni Queneerich, very focus naman daw ito sa lahat ng mga itinuturo sa kanyang pointers para sa pagsabak nito sa 62nd Miss World Beauty Pageant na gaganapin sa Ordos, Inner Mongolia, China from July 18 – August 18.

Dagdag pa ni Ms. Cory Quirino, may nadagdag na bagong award ang Miss World. Ito ay ang Multi Media Award, kung saan ang bawat kandidata ay magkakaroon ng bahagi sa Miss World Website (www.missworld.com), kung saan puwede silang mag-upload ng videos at pictures para sa kanilang mga supporters at ang kandidatang may magandang presentasyon ay magtatamo ng dagdag na puntos sa World Scoreboard.

Kaya naman daw kailangang i-like din ang opisyal na Facebook ni Queneerich sa www.facebook.com/msworldphilippines dahil kapag nakakuha siya ng malaking puntos ng like ay magkakaroon na siya ng slot sa semi-finals.

Pahabol pa ni Ms. Quirino na kailangan ni Queneerich ng dasal mula sa ating mga Pilipino para na rin maging guidance ng beauty queen sa kanyang laban sa Aug. 18. Sana nga raw, ito na ang makapag-uwi ng mailap na korona ng Miss World at maging kauna-unahang Pinay na mananalo ng nasabing most prestigious beauty pageant sa buong mundo.

 

UNTIL NOW, usap-usapan pa rin ang kontrobersiya between Annabel Rama and Chito Alcid at kapag napag-uusapan ito, hindi puwedeng hindi madawit ang pangalan ni Kuya German Moreno na kung biruin ngayon ay Referee ng Bayan, dahil na rin sa ito ang umawat nang susugurin sana ni Tita Annabelle si Chito sa burol ni Dolphy.

Si Kuya Germs din daw ang sinasabing peacemaker ng showbiz personalities na nag-aaway, kaya naman daw ‘pag may mga gulong namamagitan sa mga artista, marami kaagad ang kumakausap kay Kuya Germs para pagbatiin ito.

Pero ayon kay Kuya Germs, ang tanging puwede niya lang gawin sa tuwing may nag-aaway ay kausapin ang mga ito na kung puwede ay magpatawaran na o pag-usapan kung ano man ang naging problema nang sa ganu’n ay magkabati-bati na. Pero nasa sa may katawan pa rin daw ang magiging desisyon kung magbabati sila o hindi, kung magbati raw ay ayos, pero kung hindi ay tanging panahon na lang ang nakaaalam kung kailan maghihilom ang sugat na dala ng naging awayan ng mga ito.

Isa lang naman daw ang gusto ni Kuya Germs sa bawat artista, ito ay ang magkaisa at magkaunawaan, dahil iisa lang naman daw ang mundong kanilang ginagalawan. Korek!

 

MAY BAGONG show na dapat na tutukan ang manonood tuwing Linggo, ito ay ang Sunday Midnight Party sa NBN 4, ang Penthouse Party hosted by Jojo Alejar and Daiana Menezes.

Kaya naman halina’t maki-party, kantahan, sayawan kina Jojo at Daiana kasama ng kanilang guests celebrities. Ilan sa mga naging special guest nila ang masipag at mabait na vice-mayor ng Manila na si Isko Moreno, Upgrade, DJ Joph with Vrinnel and Deb, Aimee Torres, Alon, atbp.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “Jennylyn Mercado, ‘di big deal kung panghapon ang beauty niya

  1. Unfair pa rin for Jen, knowing na mas sikat pa sya sa mga nasa primetime ngayon!
    Tsaka may Best Actress award na sya noh!

  2. sa totoo lang, mas ok mga afternoon shows ng 7 kesa sa primetime nila. mas gusto ko na makita acting prowess ni jennylyn sa shows na maganda ang story kesa sa mga fantaseryeng paikot-ikot lang ang istorya

Leave a Reply

Your email address will not be published.