Jennylyn Mercado denies rumored date with Luis Manzano!

SUCCESSFUL ANG BIRTHDAY concert ni Jennylyn Mercado sa Zirkoh Morato noong Sabado nang gabi, kung saan kahit na umulan pa ay dumagsa pa rin ng kanyang mga tagahanga at taga-suporta. Opinyon naman ng ibang kasamahan sa industriya na sumaksi sa concert, may pinaghuhugutan ito sa kanyang pagkanta mula sa kanyang mga karanasan, lalung-lalo na ang tungkol sa kanyang lovelife. Recently kasi, pumutok ang balita na hiwalay na nga sila ni Dennis Trillo at diumano ay sinasaktan daw siya nito.

“Ang lahat naman ng tao, gustong mag-survive, ‘di ba? So kahit na anong unos pa ‘yang dumaan sa buhay natin talagang kailangan nating mag-survive, bumangon, kahit nadadapa kailangang tumayo, ang importante nakakabangon tayo. Hindi naman parating masaya sa isang relasyon, meron talagang nagkakaroon ng pagkakamali at saka parati namang hindi lahat ng relasyon, happy en-ding.”

Wish daw niya sa darating na kaarawan niya ang pagkakaroon ng good health, more blessings, mas maganda pa ‘yung takbo ng career and peace of mind. Pero ang kanyang puso kaya, wish din kaya niyang maka-move on na nang tuluyan?

“Siyempre hindi naman ganu’n kadali, although, moving on of course.”

Sa lahat ng mga kontrobersiya at mga unos na pinagdaanan niya sa buhay at pag-ibig, ano kaya ang natutunan niya rito? “Ahm, marami. Siguro kailangang kilalaning mabuti, kung karapat-dapat ba talaga,” patungkol sa kanyang mga nakaraang lovelife.

Ngayong moving on na siya, ibig bang sabihin, handa na siya sa panibagong pag-ibig? “Hindi ako naghihintay eh, darating na lang ‘yan, kung sino man ‘yun, in God’s time, ayokong maghanap. Darating din ‘yun.”

Dugtong pa niya, “Hindi ko masa-sabi, wala naman ‘yan sa bilang ng months na dumaan. Basta darating na lang ‘yan, kasi sa ngayon hindi pa ako handa.”

Sa tanong naman na naniniwala ba siya na darating din ang araw na magkakaroon sila nang reconcialitaion with Dennis, ito naman ang mahabang paliwanag ni Jen, “Oo naman, ‘di ba nakita n’yo namang lahat ‘yung re-conciliation namin ni Patrick (Garcia), at naging maganda naman ‘yung kinalabasan, huwag lang pilitin, kailangang hintayin natin kung kai-lan ready ‘yung mga puso, kung kailan ready ‘yung mga tao, darating din ‘yun.”

May nakarating naman sa aming bulong na diumano ay may nakakitang magkasama raw sila ni Luis Manzano twice recently sa isang mall, may katotohanan kaya ito? “Luis? Ngeek, ‘di ko alam. Sino pa? Lahat na!”

Panghuli naming tanong sa kanya, kung ang hiwalayan ba nila ni Dennis ang pinakamasakit na break-up na kanyang naranasan, walang kaabog-abog naman niyang sagot na, “Ahhmmm, yes!

‘Yun na!

BLIND ITEM: KINSA Siya? Sino itong sexy actress na lukring daw mag-text? Ayon sa kuwento ng aming katsukarang bading, may kaibigan daw siyang staff ng isang show na nag-text sa isang sexy star upang interbyuhin para sa isang topic. Napupudpod na raw ang daliri nu’ng staff ng TV show sa kaka-text sa sexy actress at kakapaliwanag na hindi naman daw negatibo ang pag-uusapan kundi kumustahan lang at tungkol sa isang topic na napapanahon.

Pero nang nag-reply na raw itong si sexy actress, mas nalukring daw ang staff dahil sunud-sunod ang text ng nasabing sexy star, as in, 32 messages daw ito pero puro blangko, walang mensahe. Ipinakita pa raw sa aming impormante nu’ng bading na staff ang mga mensaheng ito at kumpirmado ngang walang laman ang kanyang mga text.

Ang tanong tuloy, pinagtripan lang ba ng sexy actress ang staff ng isang TV show, o hindi lang niya sinadyang mapindot ang kanyang cellphone? Or baka naman hindi na ito ang numero ng sexy actress kaya siguro ganu’ng klase ang text, dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot sa request ng staff?

Hay naku, natumbok n’yo na nga kung sino siya, kailangan pa ba ng clue?

Follow me on Twitter, @arnielcserato; Tutok lagi sa Juicy, daily (10 am), TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, TV5; at sa Cristy Ferminute, daily, 4-5:45 PM, Radyo Singko, 92.3 newsFM at Aksyon TV Channel 41.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

6 thoughts on “Jennylyn Mercado denies rumored date with Luis Manzano!

  1. Vona, mega insecure ka kay Luis? Sino idol mo ang angel na laos at flop ang movie ngayon.
    At least si Luis totoong tao at may pinag-aralan.
    Ikaw, peste kang salot sa mundo, bakla ka!

  2. Tigilan na ako sa mga tsismis na yan ah…. tigilan na kasing e -link sa babae ang binabae……hello????? anybody home??? Dyusko…kalokah ang mga vaklang to… are you deaf?… bulag ba kayo o nagtatanga tangahan… mga vakhlang ‘to..umayos kayo…ok …yun na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.