Jennylyn Mercado, ayaw magamit ang anak sa promo ng serye

Jennylyn-MercadoSI JENNYLYN Mercado naman ay consistent pa ring mananahimik pagdating naman sa responsibilidad ni Patrick Garcia sa anak nilang si Alex Jazz.

Pagdating kay Patrick, ayaw na talaga niyang magsalita at mabuting tahimik na lang daw para hindi na madamay ang anak niya.

Siya na lang daw ang pag-usapan huwag na si AJ dahil gusto niya talagang tahimik ang mundo ng kanyang anak.

Kung walang suportang naibibigay si Patrick sa kanilang anak, hayaan na lang daw at quite lang siya.

Baka mamaya mapagbintangan pa siyang ginagamit ang isyung ‘yun sa promo ng bagong drama series niya sa GMA 7 na Rhodora X.

Kasama pa niya rito si Mark Herras, kaya ang pagbabalik ng loveteam na lang nila ang pag-usapan.

In fairness sa dalawa, ang dami pa rin nilang followers kaya tingnan natin ‘yan sa pagsisimula ng Rhodora X sa Lunes, January 27.

Kasama rin pala nila rito si Yasmien Kurdi na kasabay nila sa Starstruck 1.

Sayang nga eh, wala si Rainier Castillo, sana kumpleto ang top 4 ng Starstruck batch 1.

Si Mark Anthony Fernandez ang isa sa mga kasama nilang bida rito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Jennylyn Mercado, ayaw magamit ang anak sa promo ng serye

    • Wow Ha! Like Luis did not really come from Angel’s past. Too bad may anak na sya kaya sana huwag nang palipat lipat ng lalaki baka mag ka STD pa sya. EUWHHHHH!!! Makati talaga….

Leave a Reply

Your email address will not be published.