Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, sweet na ulit sa isa’t isa?!

NAKABALIK PA PALA ng Hongkong si Lovi Poe para dalawin uli roon ang rumored-boyfriend niyang si Cong. Ronald Singson.

Nalaman ng isang reporter namin sa Startalk na umalis nga nu’ng nakaraang linggo si Lovi patungong Hong Kong at nalaman pa nitong walang return flight daw ang ticket ni Lovi.

Bongga, ‘di ba? Akala nga nila, magtatagal siya roon dahil wala ito sa Party Pilipinas nu’ng nakaraang Linggo. Pero nung kamakalawa lang, bumalik na raw ito ng Pilipinas para sa taping ng Show Me Da Manny.

Ang alam ko, kahapon ang susunod na hearing ni Cong. Singson at hindi na siya nasamahan doon ni Lovi?

Iniiwasan naman ni Lovi na pag-usapan ang isyung iyan.

Kung sa bagay, kesa naman magsinungaling pa siya, eh ‘di manahimik na lang!

MAY NAGPADALA NG litrato sa Tweetbiz na kuha raw sa birthday party ni Alex Jazz na ginanap sa Ayala Alabang nu’ng kamakailan lang (gaya ng makikita sa kolum na ito). Bawal ang media roon, kaya wala talagang nakapagkuha, pero merong nakapuslit at ipinadala nga ito sa Tweetbiz.

Kitang-kita sa litrato na okey na okey na nga talaga sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia. May isang taga-Startalk nga na nakita rin ang dalawa sa Rockwell na kasama nila ang kanilang anak at ang asawa ni Cheska Garcia na si Doug Kramer.

Parang ang sweet daw nilang tingnan, pero sabi naman ni Jennylyn, hindi naman daw ganu’n ka-sweet. Hindi nga raw sila nag-uusap ni Patrick. Kung meron mang pinag-usapan, ang tungkol lang sa kanilang anak.

Nu’ng dinalaw ng Startalk si Jennylyn sa shooting ng Rosario, sinabi nitong wala silang dapat pag-usapan pa ni Patrick kundi ang tungkol lang sa kanilang baby. Pero wala naman daw siyang mairereklamo dahil pagdating sa sustento sa bata ay hindi na raw nila napag-uusapan.

Hindi na raw siya kailangang manghingi pa dahil naibigay naman agad ng pamilya ni Patrick. Wala raw siyang masasabi sa magandang pag-aalaga sa kanyang anak dahil nakikita raw niyang mahal na mahal nila ito. Pagdating sa kanila ni Patrick, wala naman siyang masasabi dahil hindi na raw sila kailangang maging close.

Mahirap na nga at baka pagselosan pa ito ni Dennis Trillo. Pero mukhang kampante naman si Dennis sa kanilang relasyon, kaya okey raw sila at hindi raw isyu si Patrick sa kanilang dalawa.

May mahaderang reporter ang nagtanong kay Jennylyn na malabo na nga ba talagang magkaayos pa at magkabalikan sila ni Patrick. Natawa si Jennylyn dahil hindi nga raw sila nag-uusap at nag-iiwasan pa rin sila. Kaya paano raw mangyayari ‘yun?

Saka mukhang happy naman si Jennylyn kay Dennis, kaya malabo ‘yang balikan nila ni Patrick.

Mas tahimik nga raw sila ngayon at ‘yun daw ang gusto ni Dennis.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, sweet na ulit sa isa’t isa?!

  1. At least everybosy’s happy na. DT is a good influence para kay Jenny to decide na ipakita ang bata kay Patrick at sa pamilya nito. After all if there’s one person who will benefit to Jen’s action is no other than her son AJ. I love you Jen.

Leave a Reply

Your email address will not be published.