Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, muling nagkakamabutihan!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na!!! To the maximum authority of chikka ng yours truly at talaga namang hindi mo alam kung kaiinggitan ka ng mga taong walang magawa at ‘di mo alam kung bakit ganu’n ka na lang plastikin. Anyway, ayokong masira ang Monday blues ko, alam n’yo na kung ano ang mga tinutukoy ko, dahil wala naman akong nagawa sa kanila… hahaha!

Kaya naman, don’t make your Monday a blue Monday dahil ang mga chika na talaga naman, nasa sa inyo na ‘yun kung ano naman ang magiging reaksyon n’yo!!!

Kumustahin naman natin ang naging relasyon dati ng mag-dyowang si Jennylyn Mercado at Patrick Garcia at mawiwindang ka sa mga naging eksena nila sa mga chikka. At in fairness naman ngayon kay Jennylyn, kung kani-kanino naman talaga siya nali-link after the isyu nila ni Patrick, at nagyon ay nararamdaman naman ng mga kaparazzi natin na posibleng magkabalikan ang dalawa. Kasi pumayag na si Jennylyn na gamitin na ang surname ni Patrick.

At naku in fairness naman sa kanila, sweet na sweet silang dalawa kapag nagkikita sila. Naku, kaya lang ang matutuwa rito ay si Alex Jazz, kung totoong magkakabalikan ang dalawa.

Malamang kasi, hindi pa rin naman nagpapahayag si Jen na may something sila ni Luis Manzano. Kaya lang siyempre, nu’ng unang isyu nila ay parang hindi tanggap ni Patrick ang bata, pero siyempre hindi dapat ma-involve ang bata rito sa kani-lang dalawa.

At siyempre, pag-usapan na lang nila nang maayos ngayon. Ang sabi naman ni Patrick, forgive and forget na raw ang mga naging eksena nila, kaya naman talagang masasabi mo naman talaga na may posibilidad silang magkabalikan dahil nagkakamabutihan sila ngayon ni Jennylyn. Siyempre hindi mo rin siguro maiiwasan, kasi nga tatay rin naman ng anak niya ‘yun at walang imposible…

Malamang, mga kaparazzi, antay-antayin na lang natin kung ano ang magiging resulta ng pagkaka-mabutihan nila ngayon?

AT HETO NAMAN ang mga chikka natin ngayon na talaga namang hindi na rin mawawala ang tampo ngayon ni Sharon Cuneta kay Aga Muhlach, at parang may laman talaga ang mga sinasabi niya kay Aga na kahit naman siguro sinasabi niyang wala siyang tampo, pero para talagang meron pa.

Naku naman, ano naman kaya ang resulta nito. Kaplastikan lang kaya o talaga namang kaya may something, haha! Pero siguro naman, talaga namang mabigat ang naging puno’t dulo ng tampo ni Ate Shawie kaya hindi natin masisi ang mga eksena…

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman itong aktor na ito na talaga namang napakaguwapo, kaya naman sinasabi ko nga noon na wala nang lalaki sa mundo kung magiging ‘di tiyak itong aktor na ito?

Naku, ‘te… hindi ko rin lubos-maisip kung trulili. Pero mapapatunayan naman natin ‘yan dahil ang aking mga kaparaz-zing bading ay na-sight ito sa mga gay bar na talaga namang lumadlad. Hindi lang basta-basta gay bar iyon, tambayan rin naman talaga ng mga pa-mhin ‘yun. Hahaha! Ano’ng say n’yo? True o wit? Hahaha! Abangan na lang natin, te… lumadlad na lang siya o wit?

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

3 thoughts on “Jennylyn Mercado at Patrick Garcia, muling nagkakamabutihan!

  1. I have nothing against Luis, pero mas bagay si Jenelyn at Patrick, saka me anak na naman sila. Marami pang babae para kay Luis.

  2. Ano ba itong si jen,mamili kna ksi..deny2 pa ito na wala
    Silang something ni luis,eh sweet2 nila sa hongkong..
    Kng d pa sila mg bf..bat grabe na sila kng mg lambngan..
    Hay nku jen, mmag isip ka nga…