Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, nagkasundong itago ang relasyon?

Dennis-Trillo-Jennylyn-MercadoPARANG PINAG-USAPAN yata nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang mga isasagot nila sa Startalk kaya pare-pareho ang sagot nila sa mga tanong namin na dapat ay ‘oo’ o ‘hindi’ lang ang isasagot.

Nu’ng tinanong na namin ang final question kung sila na nga talaga, parehong “hindi” ang sagot nilang dalawa.

Pero nakikita namang may something talaga sila. Maaring ayaw na lang nila ng gulo at maingay na relasyon kaya itinago na lang nila ito.

Mamayang gabi pa naman magsisimula ang bagong drama series nilang My Faithful Husband at makikita naman sa mga kilos nila kung sila na nga ba talaga.

Sabi ni Direk Joyce Bernal, daring daw ang drama series nila, at marami raw mga sexy scenes na dapat abangan.

Medyo late na ito mapapanood kaya okay lang.

Mauna muna ang Beautiful Strangers nina Heart Evangelista at Lovi Poe, pagkatapos nu’n ang My Faithful Husband na.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.