Jennylyn Mercado and Luis Manzano’s romance, for real?!

 

BLIND ITEM: NAKAKAAWA naman ang isang dating sexy actress. Dating napakasikat, ngayon, ‘yung P8.5M worth ng house and lot niya, ibinenta na lang niya ng P400,000.

Ba’t kaya gano’n kababa? Kung nalaman lang namin ‘yon, baka kami na ang nakabili no’n. Kaso, me istorya pala sa likod ng halagang ‘yon.

Nag-loan pala itong si aktres, hanggang sa nagkapatung-patong na ang interes sa bangko, maging sa tao. At dahil hindi nababayaran, ibinenta na lamang nito ang bahay at ‘yun mismong bumili ang nagbayad ng utang ng aktres sa bangko.

Sa ngayon, umuupa na lamang daw si aktres kasama ang mga anak nito at hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang aktres, dahil kung anik-anik pa rin ang “tinitira” nitong droga.

Kawawa naman, if this is true. Kaya isang “wake up call” ito para sa mga artista.

Mag-ipon. ‘Wag mabuhay nang parang wala nang bukas.

Magpakumbaba. ‘Wag mayabang. ‘Wag hambog. ‘Wag feeling kaya ang lahat. ‘Wag feeling you can get away with anything.

Maging mabait sa grasya. ‘Wag abusuhin ang biyaya ng Panginoon. Porke marami kang pera at feeling mo, ang dami pang darating na pera sa ‘yo, kung anu-anong bisyo ang mine-maintain mo.

Ayan, tingnan n’yo ang nangyari sa aktres na ito. Kahit binigyan pa ng chance ng ibang network, waley na rin. Sakit pa rin daw ng ulo sa set at “feeling sikat” pa rin kahit hindi na.

Kawawa naman.

 

NAKAKUHA KAMI NG kopya ng demandang libel sa amin ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Idinawit na rin kami sa demandang libel niya kay Aiko Melendez, dahil nabanggit ang name namin doon na kami raw ang “promotor” sa pagsira ng kanyang reputasyon.

Kahit siguro hindi kami abogado, o kahit makita pa ng ibang abogado ang kanilang kaso, parang ang hirap yatang i-prove sa korte no’n.

Binanggit lang ang name namin, pati kami, nadawit na?

Juice ko, kahit nu’ng pakikipagrelasyon ni Aiko kina Jomari Yllana at Martin Jickain, hindi kami nakikialam. Hindi kami nakikisawsaw, dahil unang-una, mahirap sumawsaw sa away ng mag-asawa, lalo na’t hindi ka naman kasama sa bahay nila.

Saka may mga anak na rin kami, kaya ba’t kami pa ang magpapalala ng sitwasyon? Siyempre, dahil may anak kami, iisipin din namin ang mga anak nila kay Aiko na siyang direktang maaapektuhan.

Kaya nga kung minsan, naiinis si Aiko sa amin lalo na ‘pag pinapangaralan namin siyang tumahimik, ‘wag magsasa-lita at ‘wag gaganti, dahil ‘pag gumanti ka, ibig lang sabihin, nakalimutan mong may Diyos.

Aba, kahit kina Jomari at Martin Jickain n’yo pa itanong, never namin silang siniraan kung kani-kanino o tinira sa aming mga sinusulatan.

Hindi naman kami ‘yung tipo ng reporter na kung sino unang nagkuwento, du’n kami kakampi at hindi na hihingin ang panig ng kabilang kampo.

Dahil lagi naming iniisip, mabuti nang maging peacemaker kesa maging troublemaker. Tama?

Tamaaa!

Ako pa rin daw ang sumagot, o!

 

ANG DAMING NAGTU-TWEET sa amin kung gaano katotoo na sina Luis Manzano at Jennylyn Mercado na.

Kami, feeling namin, kahit hindi namin itanong kay Luis, feeling namin, sila na nga or kung hindi man, baka nasa “dating stage” na sila.

Hindi kami mapanghimasok sa lovelife ni Luis kahit gaano pa kami ka-close. Saka ‘yung tipo ni Luis na matalino, madiskarte sa buhay, hindi ka nag-aalalang baka gaga siya o tarantado pagdating sa babae, dahil wala siyang gano’ng record sa amin.

Hindi na rin namin naitanong kay Luis kung totoong nag-grocery sila sa S&R o nagbakasyon sila sa Boracay. Lahat ‘yon, sa twitter itinatanong sa amin.

Hindi lang talaga malakas ang loob naming magtanong kay Luis, dahil malulungkot lang din kami kung magsisinu-ngaling siya sa amin. Kaya ‘wag na lang.

Malaki na si Luis, kayang-kaya na niya ‘yan.

 

Nga pala, paki-like naman ang aming facebook fanpage sa http://www.facebook.com/profile.php?id=100000597724209#!/pages/The-Ogie-Diaz/139216656152101 at puwede n’yo rin kaming i-follow sa twitter: @ogiediaz at sa www.ogiediaz.blogspot.com

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

17 thoughts on “Jennylyn Mercado and Luis Manzano’s romance, for real?!

  1. Feeling ko talaga hindi magwowork relationship nila IF EVER mang maging sila. Sa dami ba naman ng nakapaligid na girls kay Lucky. hmmmm….  :|
    Feeling ko lang yon.. :))

    Heehee. Pero kung ako talaga tatanungin, gusto ko sila para sa isa’t-isa.Kaso parang wala akong tiwala kay Lucky, eh.. Sayang si Jen pag naloko sya ulit. :(

    Feeling ko lang ulit yon… :))

  2. I like Luis. I also like Jen. But for me, ‘wag na sana mabuo ng tuluyan or I mean, ‘wag na sanang lumaki pa ang relasyong namamagitan sa kanilang dalawa kasi baka masaktan ulit si Jen. In short, hindi ko bet si Luis for Jen. Baka katulad din si Luis ng ibang guy (ex’s ni Jen) at mauwi lang din sa break-up. Although like ko si Luis, kaya lang kung hindi rin lang sure, eh ‘wag na lang kasi sayang saka nakakaawa si Jen. At isa pa, baka masira na ng tuluyan ang imaga ni Jen kapag nag-boyfriend pa sya ulit dahil hindi pa naman nagtatagal ang kakatapos lang nilang relasyon ni Dennis. KUNG MAGSESERYOSO SI LUIS AT HINDI NIYA LOLOKOHIN SI JENNYLYN, THEN GO!Sana maging single muna si Jen sa mahabang panahon at ‘wag muna syang mag-boyfriend or what ulit. Magisip-isip muna sya and mag focus muna sya ng husto kay baby Jazz.

  3. sino ba mother ni angel locsin in real life? baket parang hindi lumalabas sa tv…eh dapat pag sikat anak moh dapat nandun din ang mother di ba like sarah g, judy ann, at marami pang iba kasi parati nlng yung father nya ang lumalabas sa tv………

  4. Sa tingin ko naman kaya pumasok si Angel sa gabriela movement kasi yung isang pinsan nya ni-rape at pinatay. i think that’s her reason.

  5. Oh well what can i say..you’re very articulate with what you have just said.. pero i still don’t like lucky for angel..ok? di bale na sino basta di lang si lucky.. since my issue k about phil about sa utang, I still have something to say about luis.. is it true na sinasaktan niya physically si angel?? kasi after their break up, sumali or sumuporta si angel sa gabriela movement violence against women?? di naman siya agad agad na papasok dun without reasons diba??

  6. paano namang walang na li link kay luis noon e he’s trying to work things out with angel? natigil na lang ng nagsimula ng nakipagdate si angel kay felifebatangjowa.

    gumagawa ng ingay? eh sino ba ang sobrang papansin aT uhaw sa publicity? di ba felipe. sukat ba naman mag ask ng date sa twitter at yun isa naman siyempre sikat ang azkals nadala sa hype at pumayag agad makipag date at sa twitter pa na social networking na alam na nababasa ng lahat..

    at pwede ba hindi naman gwapo yan phil younghusband na iyan. feeling gwapo.di na langn mag concentrate sa football puro pa gimik at gusto yatang mag artista uli. siyempre sikat si angel gagawin niyang stepping stone para makapasok ulit siya.

    at pwede ba kelangan niyang kumabit kay angel para lalong sumikat. mark my word, unti unit papasok yan sa showbiz. start muna sa tvc then tv. hehehehe

    dapat kay phil ayusin muna niya at wag tatakasan ang mga utang niya. lagi na lang tumatakbo sa mga responsibldad.

    kwidaw ka angel. gagatasan ka lang niyan.

  7. noticed ko lang kasi, noon na wala pa nanliligaw ky angel, wala ring nalilink kay luis??? now na lantaran na panliligaw ni phil kay angel…ito namang si luis may dinidate na rin!! di masyado halata nuh!

  8. luis is just making ingay para mapag usapan! kasi si x niya isa very very happy sa new loving suitor niya..kelangan b talaga sabay sila magkaroon ng lovelife ni angel.. wag lang sana maging obvious ito si luis kasi hindi nakakatulong, nagmumukha lang siya tanga!

  9. maryosep nmn! magkasama lang e, BF/GF na!!! anu ba kayu? nag asked lang siguro si Luis ng beauty tips kay jennylyn! kung anu dapat nya gawin para di siya iwan ng current labs nya na si billy.

  10. Kaka break up lang ni Jennylyn kay Dennis, baka love on the rebound lang siya kay Luis.
    Luis, nagkamali ka na minsan sa pagkakaroon ng relasyon kay Angel Locsin sana maging matalino ka na ngayon at wag kang magmamadali. Maghintay ka and the right woman will come along. YOU’RE A GOOD CATCH !!! Suwerte ng babae magiging partner for life mo. Too bad lang sa EX mo… it’s her lost not yours!

  11. Arayku, Jennylyn!! Pati ba ikaw naloko ni Luis? Hindi ka na ba marunong tumingin ng lalaki at bakla? Sa dami ng nasa paligid mo, hindi ka pa natutuong kumilatis. Baka sa susunod..mabalitaan ko , si John Pratts naman ang bf mo?

  12. hoy ogie, mali ang sinulat mo na hinihingi mo ang side ng ibang tao pag nagsusulat ka..last week nga lang may sinulat ka about marian rivera na sinabi nya na panget si venus raj, eh sinulat mo at di mo tinanong si marian…na kahit ako naman alam kong di ganong kagandahan si venus….karma mo yan kasi dapat magpakatino ka na…nanghihingi ka pa ng simpatiya eh kung magsulat ka about karamihan sa kapuso tinitira mo….buti nga sayo….sana makulong ka…

  13. tigilan na nga yang mga gimik ni Luisa manzano, parang awa nyo na mga vaklush…magpakatotoo na di ba???? this is …Pilpinas Got Talent!

Leave a Reply

Your email address will not be published.