Jennylyn Mercado, already introduced to Batangas Governor Vilma Santos!

HETO NA, ‘DAY! Lalong nagulo na ngayon ang isyung break-up nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.

Lumabas na kasi ang tell-all interview kay Jennylyn ng Yes! Magazine. Idinetalye ng kontrobersyal na aktres ang nangyari nu’ng nag-away sila ni Dennis na umabot na sa hiwalayan.

Nagkaroon nga ng bugbugan, pero bersyon pa lang ni Jennylyn ang nandu’n, kung saan ikinuwento nito kung paano sila nag-away na umabot sa sakitan.

Ang sama nga ng dating doon ni Dennis base sa kuwento ni Jennylyn na nasaktan nang husto sa ginawa ng dating ka-sintahan.

Kaya lang, kasabay nang paglabas ng kuwentong ito, lumabas naman ang Luis Manzano na inaming nagdi-date sila ni Jennylyn.

Aminado siyang noon pa man ay crush na niya ito at lalo raw niyang nagustuhan nang nag-classmate sila sa Jujitsu.

Ipinakilala na niya si Jennylyn sa Mommy niya, kay Gov. Vilma Santos at nagustuhan daw ito ng Mommy niya.

Hindi raw isyu sa kanya kung dalagang ina si Jennylyn at proud daw siya sa pagkatao nito.

O, ‘di ba? Ang haba ng hair ni Jennylyn at mabilis agad itong nag-entertain ng mga manliligaw.

Sabi naman ni Jennylyn, natutuwa siya sa pagiging gentleman ni Luis at nagpapasalamat ito sa pagi-ging honest nito.

Pero sa ngayon, ang sabi nito nasa healing process pa raw siya at hindi pa raw siya handang maka-paghanap ng ipapalit kay Dennis.

Ganu’n din ang pahayag ni Dennis nang nakausap ito ng Startalk. Hindi pa raw siya handa sa panibagong relasyon.

Sa trabaho, sa kanyang pamilya at sa anak daw nito siya naka-focus at saka na raw ang lovelife.

Ayaw na ring sagutin pa ni Dennis ang mga rebelasyon ni Jennylyn na lumabas sa Yes! Magazine.

Sabi na lang ng aktor, “Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin, Pero tapos na ‘yun.”

Hay naku! Nakakaloka na ngayon ang drama ng mga break-up ng mga artista na iyan. Kung hindi nagsasakitan, nagdedemandahan.

 

GUSTO KO NGA palang purihin si Sen. Manny Villar dahil patuloy pa rin ang mga projects niya na tumutulong sa mga mahihirap.

Kamakailan lang ay itinatag ng Villar Foundation ni Sen. Manny Villar ang SIPAG Center sa may Las Piñas, kung saan dito ay magkakaroon ng malawak na reference center ng mga aklat at babasahin tungkol sa paglaban sa kahirapan, pagnenegosyo, at gabay pang-kabuhayan. Dito rin makikita ang memorabilia ni Sen. Manny Villar.

Sabi pa ni Mrs. Villar na managing director nito, “Magkakaroon din tayo ng mga pagsasanay sa Villar SIPAG Center para madagdagan ang mga nakikinabang sa mga livelihood skills program na ipinapatupad na sa kasalukuyan.”

Ang ibig sabihin pala ng SIPAG Center ay Social Institute for Poverty Alleviation and Governance.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

15 thoughts on “Jennylyn Mercado, already introduced to Batangas Governor Vilma Santos!

  1. Wag nyong husgahan si Jen. May kanya kanyang buhay, paniniwala, paninindigan at pangangailangan ang bawat tao. Nagkataon lang siguro na sunod-sunod ang nagkagusto kay Jen. Hindi naman ibig-sabihin non eh pok pok na sya, kaladkarin or what.
    Sana ngayong natuto na sya sa iba’t-ibang relasyong napagdaanan nya, MAG ISIP-ISIP muna sya kay Lucky. Hindi ko naman hinuhusgahan si Lucky. I like them both, kaya lang, hindi rin naman natin masasabi ang mga pwedeng mangyari. Malapit kasi si Luis sa mga girls, at daming nakapaligid sa kanya. Saka ang lahat ay maaga pa talaga para kay Jen.. Friends muna sana sila.

  2. Feeling ko lang yon.. :))

    Heehee. Pero kung ako talaga tatanungin, gusto ko sila para sa isa’t-isa.Kaso parang wala akong tiwala kay Lucky, eh.. Sayang si Jen pag naloko sya ulit. :(

    Feeling ko lang ulit yon… :))

  3. I like Luis. I also like Jen. But for me, ‘wag na sana mabuo ng tuluyan or I mean, ‘wag na sanang lumaki pa ang relasyong namamagitan sa kanilang dalawa kasi baka masaktan ulit si Jen. In short, hindi ko bet si Luis for Jen. Baka katulad din si Luis ng ibang guy (ex’s ni Jen) at mauwi lang din sa break-up. Although like ko si Luis, kaya lang kung hindi rin lang sure, eh ‘wag na lang kasi sayang saka nakakaawa si Jen. At isa pa, baka masira na ng tuluyan ang image ni Jen kapag nag-boyfriend pa sya ulit dahil hindi pa naman nagtatagal ang kakatapos lang nilang relasyon ni Dennis. KUNG MAGSESERYOSO SI LUIS AT HINDI NIYA LOLOKOHIN SI JENNYLYN, THEN GO!Sana maging single muna si Jen sa mahabang panahon at ‘wag muna syang mag-boyfriend or what ulit. Magisip-isip muna sya and mag focus muna sya ng husto kay baby Jazz.

  4. kahit anong sabihin nyo ikimompare ni luis si jen sa mama niya ganun kataas ang respeto nya sa kanya! sigurado ako lahat ng nagsabi ng malalaswa masama ang ugali! at hindi maganda ang sitwasyon sa buhay! i

  5. kahit anong sabihin nyo ikimompare ni luis si jen sa mama niya ganun kataas ang respeto nya sa kanya! sigurado ako lahat ng nagsady ng malalaswa masama ang ugali! at hindi maganda ang sutwasyon sa buhay! i

  6. kaya naka smile si Gov. Vi nun pinakilala ni Luis si Jennylyn kay Gov. Vi. Bisita ni Luis si Jennylyn sa b-day party niya alangan naman na magsimangot si Gov. Vi sa mga bisita ni Luis. Common courtesy lang naman na ipakilala ang di pa namimeet na friend that is all there is to it.

  7. korek…lahat na lang ng karelasyon ni jen ay sinisiraan niya after ng break-up…she needs mental help…malandi talaga ang jen na yan! mahilig sa lalaki…parausan lang naman cya. pokpok talaga!

  8. They don’t look good together. I feel lang na Luis is rushing things to run in parallel with Angel’s love life. Para bang ayaw patalo kaya nagmadali na lang to find an easy girl.

  9. Pero ang mga taong walang maiharbat, hindi ganuun ang treatment nya. Pweee to the 3rd time. Nakakasuka!!!!

  10. Puro lang papuri nitong writer na ito ang mga taong malakas, mayaman at maempluwensya, pweeee. Harbat to the max. pweeee again.

  11. Tangang Luis kung papakasalan or bubuntisin nya yang c Jennylyn kc yung ganyang tipo ng babae eh parausan lng at di pinapakasalan. Disgrasyadang di mabubuhay ng walang lalake at ka-SEX. Masyadong IMORAL manong ang asikasuhin nya eh yung anak nya at yung career nya…yun eh kung may career ba talaga cya!

Leave a Reply

Your email address will not be published.