Jennylyn Mercado, ‘di talaga feel ni Gov. Vilma Santos para kay Luis Manzano?!

OLA CHIKKA NOW na! Oh, no… oh, yes… now na! Thanks God it’s Friday to the maximum authority of chikka ng bonggang-bongga yours truly! At s’yempre lahat naman ng ichini-chika ko ay pawang katotohanan lamang, hahaha! At maloloka ka talaga sa Earth!

Talaga namang trulili ang chikka ngayon. Mawindang ka kaya o matuwa? Ano kaya ang magiging reaksiyon ng mga Kaparazzi natin? Papayag ba kayo na si Sarah Geronimo ang papalit sa trono ni Megastar Sharon Cuneta?

Naku, ‘te… kung ako naman ang tatanungin, hindi ako sang-ayon d’yan dahil wala pa sa kalingkingan ni Sharon ang eksena ni Sarah. ‘Di n’yo pa siya mapapalitan dahil nga sa mga bonggang-bonggang eksena at isipin mo bago pa makamit ni Sarah Geronimo ang trono ni Megastar ay ilang dekada pa ang tatahakin niya. Naku naman, ‘te… ‘di ba?

Tungkol naman dito kay Angeline Quinto, kung gusto talaga ni Sarah na makatulong sa career ni Angeline ay susuportahan niya talaga ito. Eh, mukhang sabi ng mga fans ni Angeline, parang ayaw namang suportahan ni Sarah Geronimo si Angeline. Naku, huh, matagal na ang isyu na ‘yan!

AT ANOTHER CHIKKA na naman. Hindi pala talaga feel ni Governor Vilma Santos itong si Jennylyn Mercado. Bakit kaya? Eh, ano ‘yung mga ipinapakita niya, kaplastikan lang kaya ‘yun?

Naku, huh, nakakaloka ‘yan! Ayaw ng mga Kaparazzi natin ng ganyan. At wala naman siyang magagawa roon dahil masaya ang anak niya sa piling ni Jennylyn. Sa bagay, ganu’n talaga kung saan magiging masaya ang anak mo, du’n ka. At nagpakatotoo lang naman talaga sa sagot si Gov. Vi, ‘di ba? Kaloka!

BLIND ITEM: SINO siya? Sino naman kaya itong nakakalokang sexy star at talaganag naghihirap na ngayon? Lumipat na rin daw ito ng bahay dahil pinalayas na sa tinitirahan niya. Wala rin daw talagang naipundar ito, dahil take note, nalulong din daw ito sa bisyo! Bisyo means pagka-casino, kaloka!

Ang alam ko dito, wala na nga raw itong datung, pero nagbibisyo ng su-gal. Haha!

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

 

 

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleMartin Nievera, lilipat na rin sa singko?!
Next articleMasaya sa kanilang relasyon Christopher de Leon at Sandy Andolong, hindi maghihiwalay!

No posts to display