Jennylyn Mercado: ‘di raw siya two-timer!

NATULUYAN DIN ANG disqualification kay Richard Gomez na tumatakbong congressman ng 4th district ng Leyte o sa Ormoc, kaya itinuloy na rin nila ang plan B nila na si Lucy Torres ang papalit sa kanya, na siguro namang hindi na nila madi-disqualify base sa residency nito dahil lehitimong Ormocanon ito.

Nu’ng kamakalawa lang, nag-file na si Lucy sa Leyte at kahapon ng umaga ay pormal na nag-file ito sa Comelec sa Intramuros.

Nakunan ng Startalk ang pagpunta roon ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres at talagang pinagkaguluhan sila nang husto roon.

Nandu’n din si Gretchen Barretto kasama si Tonyboy Cojuangco para sumuporta sa mag-asawa.

Aminado si Lucy na mahirap sa kanya ang desisyong tanggapin ang pakiusap ni Goma na humalili sa kanya, pero kailangan niya itong tanggapin para hindi lang daw magtagumpay ang masamang ginagawa ng mga katunggali ni Goma sa pulitika.

Sobrang lakas kasi ng aktor sa survey at kahit nga raw nu’ng ibinalita nilang si Lucy na ang ipapalit ay lalo pa itong lumakas sa mga taga-Ormoc kaya malaki ang paniniwala nilang magwawagi sila sa darating na eleksiyon.

Naloloka lang ako dahil hindi talaga masuwerte sa pulitika si Goma. Sabi nga ni Lucy, hindi natin makukuwestiyon ang kung ano ang gusto ng Diyos para sa atin kaya baka sa showbiz at sa sports lang talaga puwede si Goma at isantabi na muna ang pulitika.

Sabi rin niya, patuloy naman daw siya sa pagsisilbi sa mga tao kahit wala siya sa public office.

Pero kung sakaling manalo nga si Lucy sa darating na eleksiyon, bongga at isa siya sa pinakamagandang kongresista kung sakali.

ABANGAN N’YO SA Startalk ang ekslusibong panayam namin kina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Mukhang sila na nga pero hindi pa nila inaaming sila na talaga. May mutual understanding daw at inspired daw sila sa isa’t isa.

Gusto na lang daw sana nilang tahimik na at hindi na binabato ng intriga dahil malinaw na wala naman daw silang inaagrabyadong tao.

Ayaw ni Jennylyn na ungkatin pa ang tungkol sa kanila ni Andrei Felix dahil matagal na raw ‘yun. Pero gusto lang niyang linawin na hindi siya nag-two time. Nagkakamabutihan na raw sila ngayon ni Dennis at wala siyang commitment kay Andrei.

Ang ikinasama lang ng loob ni Jennylyn, pati ang anak niyang si Alex Jazz ay nadadamay na naman dahil sa parang kinumpirma ni Patrick Garcia na ipinangalan si Alex Jazz kay Andrei Felix na Alexander ang tunay na pangalan.

Paliwanag ni Jennylyn, ang Mommy niya ang nagpangalan ng Alex at si Jennylyn ang nakapag-isip ng Jazz. Wala raw silang ginayahan na pangalan ng ibang tao.

Maluha-luha si Jennylyn na nagpahayag sa Startalk na sana huwag na raw idamay ang anak niya. Siya na lang daw ang tirahin nila, huwag nang isabit pa ang anak niya.

Sa May 12 ay isi-celebrate ni Dennis ang kaarawan niya, at si Jennylyn naman ay sa May 15. I’m sure sabay na lang silang magse-celebrate ng kanilang birthday. ‘Yun na!

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleJulia Clarete, ang latest victim ni Baron Geisler!
Next articleJohn Lloyd Cruz, hawak sa leeg ni Shaina Magdayao?!

No posts to display