Jenny Miller, atat nang magkaanak

Jenny-MillerTWO YEARS na ring kasal si Jenny Miller sa kanyang dyowang luxury car dealer na si Cupid Feril at kung nu’ng unang taon ay gusto muna nilang i-enjoy ang isa’t isa, ngayon naman ay napagtanto ni Jenny na gusto na niyang maging ina, lalo na ngayong 34 years old na siya.

Pero sabi naman ni Cupid, “In God’s time, ibibigay sa atin ‘yan.” Kaya siyempre, si Jen, bumilib sa amin, dahil buti pa raw kami ng esmi ko, apat na ang anak, “Kami, kahit man lang isa, Mama Ogs, mabigyan!”

Hayaan mo, Jen, kausapin ko si Cupid kung paano. Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.