Jenny Mccarthy, magpo-pose muli sa Playboy!


Warning: extract() [function.extract]: First argument should be an array in /home/pinoypar/public_html/wp-content/plugins/nextgen-gallery/products/photocrati_nextgen/modules/router/class.routing_app.php on line 587

Warning: extract() [function.extract]: First argument should be an array in /home/pinoypar/public_html/wp-content/plugins/nextgen-gallery/products/photocrati_nextgen/modules/router/class.routing_app.php on line 587

will_smith-copy

Picture 3 of 3

MAY DAHILAN na naman para mag-rejoice ang male fans ni Jenny McCarthy. Muli na naman kasing magpo-pose ang MTV presenter sa pamosong adult magazine na Playboy!

Una nang nag-pose ang ex-flame ni Jim Carrey sa naturang men’s magazine noong maging Playmate of the Year ito noong 1994.

Balitang magiging cover photo si Jenny sa double issue ng Playboy ni Hugh Hefner sa July/August na inaasahang lalabas na sa US market sa June 29.

 

WILL SMITH, NANULAK AT NANAMPAL NG ISANG REPORTER!

 

NAKATIKIM NG tulak at sampal ang isang Ukrainian reporter mula sa “Men In Black 3” superstar na si Will Smith!

Naganap ang naturang insidente sa premiere night ng “Men In Black 3” sa Moscow kung saan niyakap daw ng reporter ang aktor, hinalikan sa pisngi at pilit daw nitong hinahalikan sa lips si Will na ikinairita ng aktor kung kaya itinulak nito at sinampal ang nasabing reporter.

Ayon sa aktor, na balitang makikipaghiwalay na sa asawa nito for 15 years na si Jada Pinkett, ipinaliwanag niya sa ilang mga nakakitang mga reporters na “He tried to kiss me on my mouth. He’s lucky I didn’t sucker punch him… sorry, I said that on camera.”

Matapos daw ng hindi magandang kaganapan, ayon sa isang source, “He was still a good sport about it and thought it was funny after the fact. He was laughing and joking about it. He continued doing the press line for another hour and signing autographs and taking pictures with fans.”

 

BRITNEY SPEARS AT DEMI LOVATO ‘DI NAMAN DAW MGA SINGERS AYON KAY JOHN LEGENDS

 

NAKATIKIM NA di kagandahang komento sina Britney Spears at Demi Lovato sa pagiging mga bagong judges ng mga ito sa The X Factor sa isa sa mga judges ng Duets na si John Legends.

Sa ABC Upfront red carpet noong isang linggo ay nahingian ng interbyu si Legend – one of the four singer who will be teaming up with amateurs across the country on the new singing competition, kung ano ang masasabi niya sa mga bagong judges ng The X Factor na sina Britney Spears at Demi Lovato.

Ayon kay John, “You know it’s interesting. It should be very interesting. I don’t have much to say. It’s interesting when people, you know, are judging singing competitions when they aren’t really singers.”

Pero ipinagtanggol naman ng isa sa apat na judges ng Duets na si Robin Thicke sina Britney at Demi at sinabing, “Oh come on, everything Britney does, she excels at. Demi is a lovely young lady, and I’m sure they’ll do nothing but make the show a lot more fun to watch.”

 

PHILLIP PHILLIPS TO UNDERGO KIDNEY SURGERY AFTER AI FINALE!

 

SA KABILA ng kasiyahan ngayon ng American Idol finalist na si Phillip Phillips ay may karamdaman palang itong iniinda.

Ayon sa doctors ni Phillips ay kinakailangan na palang maoperahan ang makakalaban ni Jessica Sanchez sa finale ng AI na si Phillip sa kidney, pero isinantabi muna ito ni Phillip dahil sa kaabalahan sa American Idol.

March pa raw ay may kidney problem na si Phillip, kung saan na-rush pa nga raw ito sa isang hospital dahil sa abdominal pain na naging dahilan pa nga raw ng madalas na pag-a-absent nito sa mga pre-recorded segment kasama ang ibang mga casts ng AI.

Idinagdag pa ng mga doctor na kinakailangan ng agarang lunas ang kidney problem ni Phillip at balitang magagawa lamang ito after mapili ang mananalo sa Season 11 ng AI.

Nakalimang kidney stone removal procedure na rin si Phillip mula noong October last year at nitong January lang ay na-hospitalize pa ito dahil sa kanyang kundisyon.
Hollywood Expose!
By J. Roberto Zausa

Comments are closed.