Jennlyn Mercado’s baby photos *exclusive*

by Parazzi News Service

Tila naging OA naman ang reaksiyon nitong si Jennylyn Mercado nang binyagan ang kanyang anak kay Patrick Garcia na si Alex Jazz noong January 24 sa Christ the King Church sa Greenmeadows, Quezon City.

Ang siste kasi, nang makita niya ang isang reporter ng isang showbiz talk show at ilang photographer, nag-iiyak daw ito at tila nagwawala ang boses habang kinokompronta ang mga hindi inaasahang bisita. Paano daw nalaman ng mga ito ang binyag, at sino raw ang nagsabi sa kanila?

Binawal nga raw kasi nitong si Jennylyn ang media coverage ng binyag ng kanyang anak. Mahigpit pang ipinatupad ang security. Gusto raw kasi niya privacy. Ni hindi nga nag-imbita ng showbiz personalities itong si Jennylyn.

‘Yun nga lang, hindi naman nagpapigil ang ating kamerang-gala at na-parazzi ang sinasabing ‘private’ occasion.

Ang tanong lang dito, sa pag-iinarteng iyon ni Jennylyn, ano nga ba ang gusto niyang palabasin? Ganu’n ba siya kasikat para mag-inarte? Ano ba ang kailangan niyang itago sa publiko? Ang totoong kamukha ng kanyang anak?

E, kung hindi naman kamukha ng anak niya ang ibang lalaking iniuugnay kay Jennylyn noong ipinagbubutis pa lang niya ito, ano ba ang kailangang itago? Public figure siya, at isang showbiz personality, at hindi maiiwasan na masundan siya, lalo pa’t sa mga malalaking okasyon sa buhay niya. ‘Yun na!

PHOTOS BY MARVIN CANDABA

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.