Jennifer Lee, suportado ng BF na si Ricky Ziga ang pagiging DJ

Jennifer Lee, suportado ng BF na si Ricky Ziga ang pagiging DJ Jennifer Lee, suportado ng BF na si Ricky Ziga ang pagiging DJMas concentrated ngayong ang dating Viva Hot Babes member na si Jennifer Lee sa kanyang tatent as a DJ. Yes, isang disc jockey na sa mga events at clubs si Jen na dati-rati’y napanonood lang natin siya sa mga sexy movies ng Viva Films at sa sexy dance performances niya with her co-Viva Hot Babes tulad nina Katya Santos, Jaycee Parker, Sheree, at Maui Taylor.

Mula nang mabago ang trending ng musika sa showbiz na ang mga all-girls group na sing and dance ay naging sampu-sampera, ang mga members ng grupo nina Jen ay nagkanya-kanya na muna.

Ang iba, nagka-pamilya na. Ang ilan palabas-labas pa rin sa mga teleserye.

Pero si Jennifer Lee, nagpatuloy pa rin sa showbiz or entertainment scene, pero more of a DJ.

As a disc jockey, nagkapag-perform na si Jen sa ilang mga parties and events sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at sa Asia.

Sa katunayan, sa darating na July, with God’s help, baka makapasok si Jen sa Top 50 DJ ng DJane Magazine Asia na isang worldwide poll for female DJ’s.

Para kay Jen, dream come true ito kung sakaling mapabilang siya sa Top 50 female DJ’s worldwide, kung saan sinusuportahan naman siya ng guwapo niyang boyfriend na si future mayor ng bayan ng Sto. Domingo, Albay na si Ricky Ziga who is a future lawyer at kung tama ang information na nakarating sa amin, Ricky is a law student sa Ateneo de Manila University.

Cutie ang BF ni Jen na nakita na namin ang mga picture nila sa FB page ng dalaga.

Kuwento ng dalaga: “Nag-stop muna siya sa schooling niya ng law for his candidacy.”

Pero nang maging seryoso na ang relasyon ng dalawa, they maintained their romance in private na lang  at may na-save pa kaming photo nila ni Ricky having dinner during their Palawan holiday last year.

Kaya nga aside from Jen’s gig, palagi siya ngayon sa Kabikulan to help her boyfriend sa kandidatura nito.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleMeg Imperial, sinamantala ang Holy Week para mabisita ang negosyo sa Bicol
Next articleKris Aquino, mananahimik na muna sa social media para pagtuunan ng pansin ang mga anak

No posts to display