Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, nakitang nagtutukaan sa loob ng kotse?!

GAANO KAYA katotoo ang nakarating sa aming balita na nakitang naghahalikan sa loob ng isang private car ang starlet na si Jennica Garcia at ang dyowa nitong si Alwyn Uytingco, kasama ang iba pa nilang kaibigan na nakasakay din sa nasabing sasakyan .

Ang nakakaloka pa raw, may ibang taong nakakakita sa ginagawa ng mga ito, pero deadma lang daw ang dalawa na animo’y walang nakikita at silang dalawa lang ang nandoon.

If ever na totoo ang nasagap naming balita, kumpirmado nga na super to the max na in love na in love ang mga ito sa isa’t isa, to the point na nagtutukaan na sa loob ng sasakyan. Kung sabagay hindi naman magtatagal ang relasyon ng mga ito kung hindi nila mahal na mahal ang isa’t isa.

Kaya naman daw ‘wag nang magtaka kung darating ang panahong mapababalitang buntis ang youngstar na ito, dahil hindi naman malabong mangyayari kung sobrang in love ang mga ito at magiging mapusok sa kanilang ikinikilos at kung hindi sila mag-iingat. ‘Yun na!

 

SOBRANG BASTOS at walang respeto ang isa sa staff ng Walang Tulugan with the Master Showman na si Vera something! Grabe kung mag-power trip ang lecheng ito na isang continuity writer lamang ng show, pero feeling producer at dinaig pa ang mabait na tunay na producer at host nito na si Kuya German Moreno.

Kaya naman maraming casts ng show ang nagrereklamo sa hitad na ito na hindi naman kagandahan. Master Showman na nga lang ang show niya dahil hindi siya marunong magsulat  at walang nagtitiyagang kumuha sa kanya, tapos ganu’n pa ang attitude niya, que horror!

Hindi lang magawang magreklamo ng mga kaawa-awang baguhang artista na nabibiktima ng kamalditahan nito, kaya naman nakukuntento na lang ang mga ito na tanggapin at lunukin ang paninigaw at pag-aangas nito sa kanila.

Ang ganitong klaseng staff ng mga show ang tinatanggal, hindi na kahusayan, attitude pa. Kung ayaw niyang magtrabaho at pagod na siya, ‘wag niyang idamay ang mga tao sa show, ‘wag nang pumasok at manatili na lang sa bahay, maglaba at mag-alaga ng bata, dahil du’n naman siya expert at ‘yun ang nababagay sa katulad niya!

 

PAGKATAPOS MANALO ng Best Actor at Dekada Award sa katatapos na Golden Screen Awards  2013 para sa mahusay niyang performance sa Supremo, mas naging pursigido ang tumatakbong congressman sa distrito singko ng Quezon City na si Alfred Vargas na gumawa ng mas makabuluhang pelikula, lalung-lalo na kapag tungkol sa history ng Pilipinas.

Ayon kay Alfred, mas maganda raw kasing ipakita at ipaalam sa mga kabataan ng makabagong henerasyon ang history ng ating bansa, lalung-lalo na ang mga naging bayani ng Pilipinas.

Para naman daw malalaman ng mga ito through film ang naimbag ng ating mga bayani sa bayan. Kaya naman daw pinag-iisipan na nitong gumawa ulit ng pelikula ngayong taon pagkatapos ng halalan.

 

GULAT NA gulat at ‘di naiwasang kilabutan nang pagkaguluhan ng kanyang mga tagahanga ang award-winning actress na si Ms. Sylvia Sanchez nang pumunta sa Boracay ang grupo ng Be Careful With My Heart, kung saan isa si Ms. Sylvia sa regular cast ng said phenomenal show.

Nagmistulang bagets nga raw si Ms. Sylvia sa dami ng mga taong gustong magpalitrato at magpa-authograph dito. Hindi nga raw nito inakala na marami siyang followers na sumusubaybay ng kanilang show.

Mas lalo pa ngang naloka si Ms. Sylvia nang may nagtayo ng fans club niya na sobrang dami na ng miyembro, kaya naman daw very thankful ito sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya at naniniwala sa kanyang kakayahan bilang aktres.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

6 thoughts on “Jennica Garcia at Alwyn Uytingco, nakitang nagtutukaan sa loob ng kotse?!

  1. Pansinin mo pag nagiispiel si kuya germs, lagi nyang binibiro si Val, Vera, Carmelites, Chuchi kasi yan ang mga kaibigan nya na through thick and thin nakaalalay sa kanya. kaya sabi nga ni Bitoy YARI KA!!!!!!!! hahahahahahah

  2. Di mo ba alam na nuon nuon pa e kasama na ni Kuya Germs si Vera, writer yan ng mga shows niya mapa GMA Supershow, Negosyete at kung ano anong special nya. kaya que horror talaga kasi yari ka kay German Moreno. tinitira mo ang isa sa mga kaibigan nya. LAGOOOOOOTTT!!!!!!

  3. hahahah bago mo isulat si Vera, magresearch ka muna. Si Vera ay matagal ng kasama ni kuya germs at isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ni German Moreno. Nakakatawa ka. siguro isa sa mga hinahada mo ang napagsabihan ni Vera kaya nangagalaiti ka. Baka di mo alam na kinukuha din siya sa tv5 nun at di lang niya pinatulan dahil kay kuya germs. I’m sure pag nabasa ito ni kuya germs yari ka. di ka na makakakuha ng pamasahe sa kanya na binibigay nya sa mga press na dumadalaw sa show nya. Kawawang palamunin ka hahahahahah

    Siya din ang nag-alaga kay Jennica Garcia dahil magkaibigan sila ni Jean Garcia. 

  4. Ang mga starlet talaga ng kamuning station mga nagkakalat kalat na lang palibhasa wala namang image na pinoprotektahan ang mga starlets na yan!! Gumagawa lang ng isyu par a maging kontrobersyal at magingay!!! Palibhasa gusto mabalita at maisulat ang mga struggling starlets na mga yan!!!! Mga starlets talaga ng kamuning oo!

Leave a Reply

Your email address will not be published.