Jennica and Mart, still together?

HOW TRUE NA pa hindi hiwalay sina Jennica Garcia at Mart Escudero?

May nakapagbulong sa aming usapan lang daw ang paghihiwalay nina Jennica at Mart in preparation para sa big launch ng dalaga ni Jean Garcia sa isa sa mga bagong Telebabad ng GMA. Tinatanggi ito ng nagha-handle kay Jennica na si Beth of DMV Entertainment dahil totoo raw na split na ang dalawa at hindi ito gimik. Baka naging masyado lang ang pagiging fan ng nagkuwento sa amin at namalik-mata lang na nakita raw ang dalawa sa isang mall recently.

Basta as far as career is concerned, talagang hiwalay na sila. Solo si Mart sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na part ng Telebabad after Totoy Bato bilang kapatid ni Marian Rivera. Si Jennica naman, unti-unti nang nagkaroon ng endorsement. Ang pinakabago niya, ang Bioessence kung saan makakasama na niya ang kanyang inang si Jean Garcia. Bongga ang ginawa niyang contract signing sa kumpanya ni Dr. Emma Guerrero sa isa sa 26 outlets ng Bioessence sa Visayas Ave.

No, wala raw roon si Mart during the contract signing.

NAPASUBO SINA PAOLO Serrano at Joash Balejado sa Heavenly Touch.

May pangalawa nang movie ang DMV Entertainment after Walang Kawala, ang Heavenly Touch starring Paolo, Joash, Marco Morales and Gwen Garci. Mula ito sa direction ni Joel Lamangan from the script of Eric Ramos at ipalalabas sa May.

Mga masahista ang papel ng tatlong lalaki at kinailangan nilang mag-aral ng tunay na pagmamasahe. Sa isang eksena, kinailangang magdukutan sina Paolo at Joash at ginawa nila itong makatotohanan sa request na rin ng kanilang director.

Dahil acting lang naman, napasubo na rin sina Paolo at Joash na magkadukutan. Mabuti na lang, walang ‘nagalit’ sa kanila nang ginawa nila ito. At least Joel Lamangan naman ang director nila, so okay lang na gawin nila ang mga ganitong eksena. For his first movie, nag-frontal din daw si Joash at sumabay kay Marco na tinaguriang frontal king. Si Paolo, medyo mahiyain pa kaya ‘slight’ frontal lang daw ang ginawa niya rito kung saan naaninag ang kanyang kaselanan habang naliligo.

Oo nga pala, hindi lang sila ang maghuhubad dito, ha? Marami sila!

KAHIT PARI ANG labas ni David Chua sa Tayong Dalawa, puwede pa rin siyang magpa-sexy.

First time lang naming nakilala ang model turned actor na David Chua sa March celebrator presscon ng Star Magic. He turned 20 last March 26. Guwapo si David, pinaghalong JC Tiuseco at Chris Tiu at tulad ng dalawang Kapuso, half-Chinese din si David. Ayaw niya talagang mag-join sa showbiz until he was asked by Star Magic. Masuwerte naman si David dahil in his first year, he was very lucky to be part of top-rated show My Girl where he played the funny twin brother of Alex Gonzaga. Sinundan ito ng isa pang ‘My’ titled show, ang My Only Hope bilang kapatid ni Kim Chiu.

Sa ngayon, nasa isa pang ‘My’ siya, sa May Bukas Pa. Totally different from his previous roles on television, David portrays Brother Simon who takes care of Santino. Pero dahil model nga ang Fine Arts student ng UST, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang pagi-gym dahil tumatanggap pa rin siya ng mga pictorial at modeling racket, kung saan okay lang siya na mag-topless or magpa-sexy.

Tanong nga namin sa kanya, hindi ba siya naaalangan na kumuha ng ganitong klaseng trabaho kung pari na ang papel niya sa TV?

Hindi naman daw, so be it. So be it daw, o!

Merese by Dinno Erece

Comments are closed.