‘Jeffrey Santos’, Kulong sa Pagnanakaw ng Bike

SWAK SA kulungan ang kapangalan ng utol ni Juday sa pagnanakaw ng bisikleta ng kalugar sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Jeffrey Santos, 27 ng Torsillo At., ng lungsod.

Sa ulat, alas-8 ng gabi, nasa kanilang bintana si Emmanuel Pesimo sa Tanigue St., ng lungsod nang mapansin ang biktima na kinuha ang kanilang BMX bike na nagkakahalaga ng P6,000.

Agad na lumabas ang biktima at pasigaw na hinabol ang suspek na papatakas na sakay ng bisekleta.

Nakatawag ng pansin ang mga sigaw ng biktima sa mga barangay tanod na naging dahilan upang maharang at mada-

kip si Santos at mabawi ang tinangay na bike.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.