Jeepney Operator, Hinataw ng Bato sa Ulo

KRITIKAL ANG jeepney operator matapos itong pagpapaluin ng mala-king tipak ng bato sa ulo ng kanyang kalugar na nakaalitan ng una kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City .

Isinugod sa Valenzuela Medical Center sanhi ng pagkaputok ng ulo nito sa pagkakapalo ng bato ang biktimang si Manuel Calagas, 56, ng Lot 49, Sitio Kabatuhan, Gen T. De Leon ng nasabing lungsod.

Nakapiit naman sa detention cell ng Valenzuela City Police at nahaharap sa kasong Frustrated Homicide ang suspek na si Dominador Piña, 60, may-asawa ng Compound 2, Sitio Kabatuhan ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-6:30 ng gabi, nang maganap ang insidente sa Sitio Kabatuhan habang naglalakad ang biktima.

Hindi napansin ng biktima na nasa likod na nito ang suspek at walang sabi-sabing pinaghahataw ng bato.

Agad na dinala sa nasabing pagamutan ang biktima upang lapatan ng lunas ang mga tinamo nitong sugat habang mabilis namang nahuli ng mga rumespondeng awtoridad ang suspek.

(MARY H. SAPICO)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.