Jeepney Drivers, Magpoprotesta sa Comelec

SUSUGOD SA tanggapan ng Commision on Election (Comelec) sa Intramuros, Maynila ngayong araw ang mga jeepney driver para ipakita ang pagsuporta sa kanilang party-list na nahaharap sa disqualification.

Kasado na ang kilos-protesta ng mga jeepney driver para ipaglaban ang kanilang karapatan na magkaroon ng kinatawan sa Kongreso.

Kasunod ito ng umano’y pagpapaskil ng Pinag-Isang Samahan Ng Tsuper At Operators Nationwide (Piston) ng campaign posters sa mga lugar na hindi kasama sa common poster area na itinakda ng Comelec.

Sinabi ni Piston President George San Mateo na isang political harassment ang disqualification case laban sa kanilang partido.

Samantala, bukod sa Maynila, sasabay rin ani-ya ang mga kasamahan nilang drivers sa Davao, Negros at Cagayan De Oro na magpoprotesta rin sa tanggapan ng Comelec sa mga lalawigan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.