Jeepney Driver, Pinasadahan ng Ratrat

PATAY ANG isang jeepney driver matapos na paulanan ng bala sa bahagi ng barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Base sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, kinilala ang biktima na si Samuel Carmian, 38 anyos.

Naglalakad ang nasabing biktima kasama ang pinsan nito sa bahagi ng Borromeo Street at nang nasa tapat na ng isang tindahan ay nilapitan ng isang lalaki.

Dito na pinagbabaril ang biktima sa ulo ng hindi pa nakikilalang salarin.

Samantala, narekober sa pinangyarihan ng krimen ang basyo ng kalibre 9mm na baril.

Sa ngayon, hindi pa matukoy ang motibo sa pamamaril.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.