Jeep, Tumagilid; 1 Patay, 7 Sugatan

ISA ANG nasawi at pitong pasahero ang nasugatan matapos tumagilid ang sinasakyan nilang jeepney sa highway ng Sitio Marangan, Brgy. Muti sa Zamboanga City.

Kinilala ang namatay na si Marygrace Laranu, 26.

Base sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, pa-punta sa bayan ng Ipil sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay ang jeep bandang 10:30 a.m. lulan ang 20 pasahero nang mangyari ang insidente.

Sinubukang umiwas ng jeep sa paparating na motorsiklo na minamaneho ng isang Rosalino Barcelo y Tubog, 50, ng Brgy. Putik ng lungsod, ngunit nawalan ng kontrol na nauwi sa nabanggit na aksidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.