Jeep, Nahulog sa Ilog; 3 Patay, 2 Nawawala

PATAY ANG tatlong guro kabilang na ang principal makaraang mahulog ang sinasakyang owner-type jeep sa ilog sa Barangay Haybanga, Lobo, Batangas kamakalawa.

Ayon kay Office of Civil Defense-CALABARZON director Vicente Tomazar, ang mga nasawi ay kinilalang sina Emiliana Lontoc; Nelia Guico, 38; at Menchie Gayeta, 33. Nawawala naman ang isa pang guro na si Jona Driz, 29; at ang driver ng sasakyan na si Efren Lontoc, 53.                                                                                                                           Sinabi ni PO1 Gregorio Baldrias ng Batangas Provincial Police Office na nakaligtas naman ang isa pang guro na si Gertrudes Endencio, 29.

Napag-alaman na galing sa lamayan ang mga biktima at pauwi na sana nang mahulog sa ilog ang kanilang sasakyan at hindi na umano nagawang iahon pa hanggang abutan ang mga ito ng pagtaas ng tubig sa ilog kung kaya’t tinangay ng malakas na agos ng tubig.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang paghahanap ng mga awtoridad sa mga nawawalang biktima. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.