Jeep, Nahulog sa Bangin; 8 Sugatan

SUGATAN ANG walong katao matapos mahulog sa bangin ang isang pampasaherong jeep sa Sipocot, Camarines Sur.

Sinabi ni SPO2 Albert Joben ng PNP-Sipocot na galing sa Barangay Caima ang jeepney na minamaneho ni Rogelio Marcelina at patungo sana sa downtown proper ng nasabing bayan.

Subalit pagdating sa Junction 4, Barangay Tara ay nawalan umano ng preno ang jeep at imbes na makabundol sa iba pang sasakyan sa kahabaan ng kalsada ay minabuti na lamang ni Marcelina na ihulog ito sa bangin na may lalim na 10 talampakan.

Bunsod nito, nagtamo ng sugat sa katawan ang mga pasaherong sina Maribel Casao, 32; Florencio Plabo, 42; Jenaly Disin, 26; Norlita Lualhati, 46; Leonardo Balmes, 72, at ang asawa nitong si Jenny, 70.

Ilang pasa at gasgas din ang tinamo ng driver na si Marcelina at helper nitong si Mariovico Ramos.

Dinala naman kaagad ang mga ito sa Sipocot District Hospital.

Samantala, nabatid na halos magkakamg-anak at magkakakilala ang mga biktima at ang salarin kung kaya tumanggi na ang mga ito na magsampa pa ng kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.