Jeep, Nahulog sa Bangin: 1 Patay, 2 Sugatan

PATAY ANG isang lalaki habang nasugatan naman ang dalawa nitong kasamahan matapos na mahulog sa bangin ang sinasakyang jeep sa Camarines Sur.

Kinilala ang namatay na si Eugene Muella, 27, habang nasugatan ang kasama nitong si Jomar Nidea, 21, at driver na si Jobeto Tursan.

Lumalabas sa impormasyon, binabaybay ng mga biktima ang Barangay Cristo Rey sa bayan ng Lupi sa Camarines Sur nang biglang magkadiperensiya ang makina ng sasakyan at mahulog sa bangin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.