Jeep, Nahagip ng Tren; 4 Sugatan

APAT ANG nasugatan matapos na mahagip ng tren ng Philippine National Railways (PNR) ang pampasaherong jeep sa Beata railroad crossing, Pandacan, Maynila kamakailan.

Isinugod sa Sta. Ana Hospital ang dalawang biktimang sina Rosario Dela Cruz, 81-anyos at Aron Jayson Victoria, 15-anyos ngunit na-discharge din kaagad.

Dinala naman sa Philippine General Hospital (PGH) sina Henry Baltogay, 28-anyos at Carmelita Cruz, 69 na patuloy na inoobserbahan dahil sa tinamong sugat sa noo.

Ayon kay Jayson, malakas ang pagpapatugtog ng radyo sa jeep kaya maaaring hindi narinig ng drayber na si Ernesto Luna ang paparating na tren.

Sinabi ng mga barangay tanod na kampante ang mga motorista sa pagtawid sa riles dahil alam nilang alas-7:30 ng gabi ang huling biyahe ng tren.

Umalis na rin ang bantay ng PNR kaya hindi na naibaba ang barandilya na nagsisilbi sanang babala sa mga daraang sasakyan.

Nakatakas naman ang operator ng tren na si Boy Ramos habang kinuyog ng mga tao sina Richmond Itay, makinista at Angelo Coldas, assistant operator ng tren.

Sa ngayon, sinisiyasat naman ng operator ng jeep na si Marvin Serandi ang alegasyong nakainom ang tatlong tauhan ng tren nang mangyari ang insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.