Jeep na nabalaho, itinulak; driver, inatake sa puso

MAKARAANG ATAKEHIN sa puso bunsod ng pagtutulak sa nabalahong jeepney, binawian ng buhay  ang isang driver sa Dagupan, Pangasinan.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Alexander Bautista,52-anyos, residente ng bayan ng Mangaldan.

Napag-alaman na ka-sama ng asawa at ilang kakilala ay itinulak nila ang pampasahero nitong jeep na tumirik sa paanan ng Magsagsay Bridge sa Perez corner Rizal St.

Pagkatapos nito ay nagpahinga ang biktima sa loob ng jeep, ngunit nakaramdam ng matinding paninikip ng dibdib.

Ilang saglit lamang ay sinabing biglang nangisay ang biktima at huli na nang mapagtantong inatake pala ito sa puso.

Wala naman ang asawa nito nang panahong iyon dahil inutusan ito ng biktima na umuwi at kunin nito ang naiwang lisensIya sa kanilang bahay.

Gulat na lamang ang misis nito nang datnang tinakpan na ng kumot ang katawan ng asawa na nakahiga na sa stretcher.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.