Jed Salang, pinagbantaan ng panganay ni Ai-Ai delas Alas?

Ang iniregalong Chevrolet Camaro ni Ai-Ai delas Alas kay Jed Salang, matapos silang maghiwalay.

ALAM NAMING halos lahat ng mga nakapanood sa mapuso at may kasamang malalim na hikbing iyak ni Ai-Ai delas Alas ay nakisimpatiya sa kanya. Kahit ‘di namin masasabing pusong bato… este, girlita kaming buong-buo, durog na durog ang aming puso sa nasabing panayam ni Tito Boy Abunda sa Comedy Concert Queen. Iba ang iyak ni Ai-Ai, sumisigaw, malalim ang pinaghuhugutan at parang ngayon lang niya naibuhos ang lahat ng sama, sakit ng kalooban sa pambubugbog-pananakit sa kanya ng the who na lalaking yun.

Sa twitter, kahit na hindi natin masabing nagbibiro lamang, pasaring ng panganay niyang anak na si Sancho (@sanchovito) ang mga salitang, “Jed, wag kang lalabas ng alabang wag kang lalabas ng paranaque sana nakikita mo kung anong nagyayare ngayon.

Isang follower niya ang sinagot nito nang, “@karlorav paps ang hirap makita si mamang umiiyak kumidyante kasi si mama eh…Kaya ang bigat talaga #killjedsalang.

Makikitang may hash tag itong #killjedsalang, na hindi natin masisisi si Sancho dahil ina niya ang sinaktan na feeling namin walang karapatang ganu’nin si Ai-Ai, hindi porke’t kasal sila ng the who na lalaking ‘yun ay pasaporte na niya ‘yun para saktan si Ai-Ai.

Samantala, sa kasagsagan ng isyu sa hiwalayan nina Ai-Ai delas Alas at Jed Salang, pinutakti ng panlalait at pambabatikos ang huli sa mga social networking sites, lalo na sa phot-sharing network na na Instagram, kung saan agad na dini-activate ni Jed ang kanyang account na jed_salang8.

Kaya tuloy hindi na ito ma-view ng IG users kung ano ang itsura ng sasakyang Chevrolet Camaro na iniregalo ng comedy queen sa dating asawa.

Pero, may mga ilang users ang naka-screenshots pa ng litratong ito na makikita sa Instagram hashtag na #jedsalang.

Makikita sa isang litrato ni Jed ang pic collage ng nasabing gift ni Ai-Ai. Nakasulat sa collage na ito ang mga salitang, “Ty baby for the husband gift ilove u so much…New car new shoes…Meet BUGSY CAMIL!

Matatandaang sa isang post sa Instagram ng anak ni Ai-Ai na si Sancho, sinabi nito sa isang follower na nabawi na rin ang naturang sasakayan. Sa ngayon daw ay ibinibenta na raw nila ang nasabing Chevy Camaro. Ang market value daw nito ay nasa tatlong milyong piso pataas.

 

MAY NAKITA kaming litrato sa Internet kung saan kasama ni Charice ang isang girl na hindi masyadong nakikita ang mukha. Feeling namin si Alyssa Quijano ito. Ayon naman sa isa pa naming source, medyo may na-post diumano si Mommy Raquel Pempengco sa isa sa kanyang mga FB accounts. Aniya, “Hi. Thank you for updating me. There’s a right time for me to speak. One day, i will contact you and tell you everything i know about the issue.

Thank you again for updating me. If you can, get a statement from a fellow Chaster, the name is __________, this is also the person Tita Raquel was referring to, when she said, “ sana hindi magkrus ang landas natin dahil masasabunutan kita kasama na si Charice. This wasnt the exact words said, but i can send you a screenshot of the said statement if you want.

But i dont think that _______ would talk, too much loyalty has blinded her. I think shes also the one that has been sleeping at Charice’s house. Ask Robert if the name sounds familiar to her, i can send you one of her picture for identification. Thank you.”

“Right now, i dont know whats going on between Alyssa and her family, it seems to me that they are allowing their daughter to be with Cha now.”

“Many people have been telling me that they were seen together in Nuvali or in Paseo (laguna). And from what i’ve heard, they are already showing the public the sweet gestures.”

Minabuti naming i-blanko muna ang pangalan ng nasabing Chaster dahil kinu-contact pa namin ito. Nakakapanghinayang if lahat ng ito ay totoo, nanghihinayang kami na ang  genuine talent ni Charice ay mapupunta sa kangkungan nang dahil lamang sa pag-ibig.

Ay, paano nga pala ‘yung kasabihang, “Pag-ibig nga naman, hahamakin lahat matupad ka lamang”, words to this effect. Ay naku, ambot!

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

5 thoughts on “Jed Salang, pinagbantaan ng panganay ni Ai-Ai delas Alas?

  1. binalik ba ni jed BABOY yung car na bigay ni Ai-ai? kung hinde HOY BABOY KA MAKAPAL ANG TABA, MAKAPAL ANG MUKHA kung may natitira kapang kahihiyan i balik mo yan..BABOYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY

    • ganoon talaga ang haybu…sana hindi nalang nag asawa si ms. ai-ai. pd siguro, magsyota lang…eh di sana hindi nangyari sa kanya ang ganoon……

  2. ingat ka sancho baka may mangyari kay jed …lagot ka …away mag-asawa iyan. hindi ka naman kasali on their wedding decision…so kung mag-split still not your or anyone’s business…e pag-nagbati yan mukha kayong mga tanga…believe it happened a lot of times nag-mmumukha tanga everybody else around sa away pag-nagbati….if ever legal options lang will decide if ever !!!

    • tanga ka o sadyang bobo ka lang may karapatan yang sancho na yan dahil anak nya ung nasaktan… kah8 cnu mang anak kung ina na ung nasaktan malamang ganyan din ang mararamdaman…

Leave a Reply

Your email address will not be published.