Jed Salang, magsasalita na sa hiwalayan nila ni Ai-Ai delas Alas?!

GUSTO KO munang magpasalamat sa lahat na nakaalala sa birthday ko nu’ng nakaraang Lunes. Nakaka-touch naman dahil hanggang ngayon ay may mga dumarating pang regalo. At least, kahit huli nagpapahabol pa rin.

Ilang araw ngang may pa-lunch o ‘di kaya pa-merienda na hinu-host para sa birthday ko. Tapos ang ibang nagpapadala ng regalo sa akin, talagang may konek sa edad ko, ha!

Gaya nang ipinadala sa akin ng mag-asawang Sen. Manny at Cynthia Villar, bukod sa lechon at nakaka-touch na card na ibinigay sa akin, meron talagang pinadalang regalo na P66 thousand, para konek sa edad kong 66 na! Ibig sabihin, tuwing birthday ko padagdag nang padagdag ng 1 thousand ang birthday gift sa akin. Nakakatuwa naman!

Nag-host din ng merienda si Willie Revillame sa akin at ‘yun mismo ang araw na nag-announce na siya sa Wowowillie na magri-resign na siya. Hanggang October na lang nga raw ang programa niya sa TV5, dahil tapos na rin ang contract niya.

Maayos daw siyang nagpaalam kay Chairman Manny V. Pangilinan na kung saan nagpadala siya ng sulat at sinagot naman siya nang maayos. Kaya nagpapasalamat siya kay MVP at sa TV5 dahil sa magandang pagtrato sa kanya hanggang sa pagpaalam nito.

Sobrang napagod na raw si Willie sa ilang taon na araw-araw na programa niya. Kaya mas gusto na raw niya ngayong mag-focus na muna sa mga na-invest niya. Meron siyang mall na ipinatayo sa ABS-CBN 2 na malapit nang buksan, kaya isa ‘yan sa mga aasikasuhin niya.

Balak pa raw niyang magtayo ng hotel sa Tagaytay, kaya iibahin na muna niya ang lifestyle niya pagkatapos nitong Wowowillie.

Pero kung sakaling aalukin ‘yan ng ibang istasyon na ituloy ang programa niya, tingin ko tatanggapin niya kung okay ang offer.

Hindi ko lang sure ang ABS-CBN 2, pero ewan ko rin sa GMA-7 na tingin ko malaking ingay ‘yan kung kukunin siya ng Kapuso Network. Abangan na lang natin kung ano ang susunod na magaganap sa buhay ni Willie.

 

ANG ISA pang aabangan natin ay itong buhay ni Ai-Ai delas Alas na tingin ko meron pa ‘yang gagawin laban kay Jed Salang.

Katakot-takot na panlalait naman ang inabot ni Jed pagkatapos magsalita ni Ai-Ai, kaya dedma na lang ang huli sa mga nakakarating sa kanya na mga sinasabi ni Jed.

May ilang kaibigan si Jed na nagkukuwento rin ng diperensya ni Ai-Ai, pero dedma na lang ito dahil nasabi na raw niya ang mga nasabi niya. Hayaan na lang daw si Jed sa kung ano ang mga sasabihin niya.

Alam ko gusto siyang ma-interview ng Startalk pero ayaw yata niyang magpa-interview sa amin ni Ricky Lo dahil alam niyang close kami kay Ai-Ai. Eh okay lang, hindi naman talaga kami close sa kanya, saka kay Ai-Ai naman talaga kami kampi, ‘no!

Kay Joey de Leon na siya o kay Butch Francisco siya pa-interview, huwag na kami. Okay lang ‘yun!

Abangan n’yo na lang, dahil tiyak na marami pang magaganap diyan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

11 thoughts on “Jed Salang, magsasalita na sa hiwalayan nila ni Ai-Ai delas Alas?!

  1. bakit may mga tao nalulugod pa na may ganitong nangyayari sa kapwa nila.nagagawa pa nilang magisip ng kababuyan o kahalayan sa kapwa nila.maawa sana kayo .

  2. tama lang magsalita n c jed kc durog n durog n ang pagkatao niya s mga masasakit n salita, hindi nman kc tama n side lang n ai ai ang maririnig nating taz yon side n jed hindi, c ai ai ilang relasyon nb pinagdaanan niya mula s ama ng anak nyang panganay taz yon tatay ng sophia taz iyon nakarelasyon nyang bata din mayroon pang foreigner sk itong huli n c jed puro nauwi s hiwalayan lahat, pag ganyan ang mga relasyon n ai hindi kaya may deperencia ndin c ai ai?

  3. It takes TWO to TANGO. Hindi lang isa yong tama baka may dahilan din si Jed di ba baka natusok siya sa baba ni Aiai kaya biglang tumalon yong kamao niya aba masakit yata pag matusok ka Di ba.

    • tama… wala sino man may karapatan na manakit ng kapwa tao.sa mata ng Dios ay mag-asawa  sila,nakakalungkot lang sa madlang public nangako siya na di niya sasaktan si aiai.babae sya di dpat siya sinasaktan.

  4. kz sobrang amoy ng keps ni ai ai kaya nahiwalayan na tapos sa pagtulog tumutusok ang baba kaya un nabwisit na at kinaladkad hahaha,,, ewan ko sa showbisness ng pilipinas puro katarantaduhan kz puro mga bading ang reporter.

Leave a Reply

Your email address will not be published.