Jean Garcia in All About Eve

BULL Chit!
by Chit Ramos

MAS MATALINO KAYSA kay Jean Garcia ang anak niyang si Jennica!

Mismong si Jean ang nagpahayag nito sa presscon ng teleseryeng All About Eve kung saan makikipag-pingkian na naman siya ng talento sa pag-arte kay Eula Valdez.

“Napansin ko ito sa kanya nang makipag-break kay Mart Escudero, who was her very first boyfriend. Wala siyang sinasabi sa akin na break na sila, pero alam mong ganu’n ang nangyari. Kung umiyak siya, magaling din siyang magdala, kaya hindi nakuhang magalit at i-confront si Mart. I respected my daughter’s wish and Mart also. Ganu’n na sila ngayon, hindi katulad ko noong mag-break kami ng father niya (Jigo Garcia),” ani Jean.

“Hindi na rin kailangan ipaalaala ko pa na pumalpak ako noon sa first boyfriend ko, at sa ama ng second baby ko (from a Japanese husband). Naging mabait naman sila pareho sa akin at hindi ko rin sinasabing sila lang ang may kasalanan. Ako ang nag-desisyon na maghiwalay kami because of some differences, racial differences, lalo na sa second relationship ko. Alam mo na, mahirap pakisamahan ang pamilya ng husband ko. At doon pa niya kami gustong manirahan sa Japan.”

Hindi nga maunawaan ni Jean kung bakit ngayong magfo-40 (she’s only 38 y/o) at saka naman yata dumami ang suitors niya. Much more than her suitors noong bata at teenager pa siya. Mukha ngang hindi siya nababakante, dahil my idine-date na naman siya, bagama’t ayaw pa muna niya ng serious relationship.

“Date lang para hindi naman puro work ang inaatupag ko,” birong wika niya.
Workwise, wala na siyang mahihiling pa.

“I won’t say anything about ABS-CBN, kapag iniintriga ako, because napansin doon ang talent ko sa pag-arte. Na-appreciate nang husto ng public ang theatrical acting namin ni Eula at heto, pinakikinabangan naming pareho kahit nasa ibang istasyon na kami.

“Ikapitong teleserye ko na ito sa GMA 7 kaya’t maituturing ko na ito ngayon na home studio. Sunod-sunod ang projects ko at panay-panay ang dasal ko na magtuluy-tuloy ito, dahil single mother na uli ako.”

Memorize na memorize pa nga ni Jean ang titles ng mga naging projects niya. Gagambino, Dyesebel, La Vendetta, Impostora, Atlantika, Mahika at itong All About Eve.

She’s so excited working with Richard Gomez na hinahangaan na niya noong Regal days nila with Mother Lily Monteverde. “Dapat lang na pag-agawan ng mga babae si Richard, pero kami uli ni Eula ang gagawa nito,” patuloy niya.

Para sa isang munting intriga, hindi nakaligtas sa paningin ng inyong lingkod ang singsing na suot ni Jean nang gabing iyon. Sobra sa laki ang bato ng kanyang singsing. Parang apat, as in apat na ga-mais na brilyante iyon na nilalaro niya noong una. Pero nang may nakapansin nang iba, bukod sa akin, unti-unti na niyang itinatago ang kaliwang kamay sa ibaba ng mesa.

Ayon sa katabi kong marunong kumilatis ng alahas, aabot sa P5M ang halaga ng singsing na iyon, brilyante pa lamang ang pinag-uusapan, puwera ang gintong nakaikot sa kanyang palasingsingan.

Gaganyan-ganyan si Jean, pero puwede na siyang ihilera kina Rufa Mae Quinto, Sharon Cuneta at Gretchen Barretto na na-feature sa Showbiz News Ngayon nina Boy at Kris sa kabilang istasyon.

Natitiyak din ng Bullchit na hindi na uli isusuot pansamantala ni Jean ang singsing para makaiwas sa mga holdaper. Makabubuting itago na muna ni Jean ang nasabing singsing sa bangko at umupa ng special box para itago pati mga papeles ng kanyang properties. Matalas kasi iyon sa mga mata ng mga magnanakaw, samantalang ang bag, hindi na nauusong nakaw-nakawin. Malaki rin ito at hindi basta-basta mahahablot.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.