Jean Garcia, ginagaya lang si Amy Perez!

HINDI MAIWASANG maikumpara ang way of hosting ni Jean Garcia sa Personalan sa Face to Face ni Amy Perez. May nakapupuna nga na minsan daw ay mistulang ginagaya ni Jean ang klase ng pagho-host at pagbibigay-payo ni Amy sa top-rating show na Face to Face na patok na patok sa manonood.

Pero sad to say, dahil  suma total, mas hamak convincing pa rin, may puso at mas magaling na host si Amy, kumpara kay Jean na mas magandang mag-concentrate na lang sa pag-arte, dahil ito naman ang forte niya at ‘wag nang makipagsisikan pa sa mundo ng hosting dahil hindi ito bagay.

Puna nga ng ilang manonood na mistulang umaarte raw ito sa isang soap opera sa tuwing magho-host, mas gusto raw nila itong makitang umaarte na lang sa kanyang mga soap sa TV kaysa mapanood sa Personalan.

Mas kaaya-aya pa nga raw na panoorin ang kasama nitong si Jolina Magdangal na mas mahusay na host at magbigay- payo. Kunsabagay, kung ilang beses na rin naman itong nag-host ng sarili niyang show at nagkaroon na rin ito ng show kung saan nagbibigay-payo sila ni Marvin Agustin sa kanilang letter sender.

 

SUPER PAGTATANGGOL kay Charice Pempengco ang kapwa ng international singer na si Arnel Pineda ng The Journey. Tsika nga nito na, “If she’s happy with her new look, I respect her for that. Hindi na nga lang kami madalas magkita ngayon ni Charice, kaya hindi ko alam ‘yung mga naglalabasang balita tungkol sa diumano ay unprofessional na siya.”

Kuwento pa nito sa presscon ng isang supewrmarket chain, “Bilang artist ding tulad namin, naiintindihan ko ang mga changes na ginagawa ni Charice at irespeto na lang natin ito.”

Baka raw ‘di lang sanay ang mga kababayan natin sa pagbabagong-bihis ni Charice. Kung ano man daw si Charice ngayon, dapat maging masaya na lang ang lahat dahil doon masaya si Charice at balikan na lang daw ang naibigay na nakarangalan ni Charice sa bansa.

Nagpapasalamat nga raw si Arnel dahil siya ang napili para umawit  ng bagong jingle ng nasabing supermarket chain bilang bahagi ng 10th anniversary nito.

 

MALABO RAW ma-in love sa ngayon sa kanyang dalawang leading man na sina Kristoffer Martin at Enzo Pineda ang newest Kapuso leading lady na si Kim Rodriguez dahil mas binibigyan daw nito ng prioridad ang kanyang showbiz career.

Wala pa raw sa isip ng magandang teen star ang magkaroon ng karelasyon dahil ayaw raw nitong maapektuhan ang kanyang trabaho. Alam naman daw nito na kapag may karelasyon ka ay mahahati ang oras, sa ngayon daw ay mas gusto niyang ilaan ang kanyang 100 % time sa trabaho.

“Naku, sa ngayon mahirap sagutin ‘yan. Kasi wala pa talaga sa isip ko ngayon ang magka-boyfriend, alam kong pare-pareho kaming naka-focus sa trabaho at ito ang priority namin.”

“Siguro hindi pa ngayon, pero pareho naman silang hindi mahirap magustuhan, kasi pareho silang mabait sa akin at pareho rin silang inaalagaan ako sa set. Siguro only time can tell kung mangyayari po ba iyon, pero sa ngayon trabaho lang po talaga ang gusto kong gawin.

“Ayaw ko kasing maraming priorities, mas maganda kung sa isa ka lang muna tututok at this point in time, work lang ang priority ko, sunod sa family ko.

“Alam ko naman na sila rin (Kristoffer at Enzo), priority rin nila ‘yung mga career nila, lalo na si Kristoffer na kapapanalo pa lang sa Golden Screen Awards for Best Supporting Actor.

“‘Wag po muna siguro lovelife, bata pa naman po ako,” nakangiting pahayag ni Kim.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Jean Garcia, ginagaya lang si Amy Perez!

Leave a Reply

Your email address will not be published.